CHAPTER 18

63 1 0
                                    

"Sa unit ka ba uuwi mamaya?". Tanong ni Abi habang papunta kami sa cafeteria, umiling ako at tinignan siya. 

"Sa unit ni Grey, bes". Wika ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at nagkaraan ng ngisi ang kaniyang labi. 

"What's with living together?". Panunudyo niya na tinawanan ko lang, "We're not living together, we're just spending time with each other. Magkaiba 'yun". Usal ko.

Bigla niyang kinurot-kurot ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin, ang sakit kaya! "Charot ka, halos limang araw nga ata sa isang linggo ka nanduon eh". Aniya.

Napakibit-balikat na lang ako, hindi ko pwedeng itanggi. I just felt like I need to be with him these days, may kaba na lumulukob sa puso ko pero hindi ko mapagtanto kung ano iyon.

Pero kapag kasama ko siya, nawawala naman iyon at umaayos ang pakiramdam ko.

"Hindi ko alam, kailangan ko lang talagang kasama siya...". Ani ko at tumingin kay Abi, "Is that acceptable?". Tanong ko, mabilis siyang tumango habang may ngiti sa kaniyang mga labi.

"Well, it's acceptable in your case dahil may jowa ka. Kung ako ang magsasabi nun, magtaka ka na". Pareho kaming natawa sa pinagsasabi niya, "Alam mo minsan, baliw ka eh". Naiiling kong puna sa kaniya.

Nagkibit-balikat siya at ngumiti ng malapat, "Well, you both did not address me an alien for nothing". She said while smiling widely, I am right. 

She's getting better each day and I am happy that our alien Abi is back.





Hanggang ngayon ay hindi ko pa din matawagan si Grey, his phone is off and cannot be reached. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero nag-ring lang at narinig ko lang ulit ang 'the number you dial is busy at this moment' keneme, I am getting worried.

Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko kaya kinapalan ko na ang mukha ko, I find his brother's Instagram account and sent a DM.



@Jaiiii: Hi, Hiro! Si Jairah 'to, I just want to ask kung kasama mo si Grey? I am sorry, I am just worried.



Wala na akong pake kung magmukha akong papansin o kung ano, I just want to know if he's okay. He's not like this, kapag busy siya ay magiiwan yun ng message at sasabihing tatawag siya kapag tapos na siya sa ginagawa.

I don't know, I--I just feel so uncomfortable right now. Muntik pa akong mapatalon nang tumunog ang telepono ko kaya kaagad ko iyon tinignan and my heart beats loudly as I read the message.



@H_Hernandez: Uuwi ako sayo, mahal.



Those 4 words brought havoc to my system; he uses his brother's account to reply to my message but why? Tila nabunutan ako ng tinik sa nabasa.

Hindi na ako nagreply pa dahil sinigurado niyang sa akin pa din siya uuwi. Hindi na ako sumabay kay Abi at nagcommute na lang ako papunta sa condo unit ni Grey, pagpasok ko ay tumambad sa akin ang malamig na hangin ng aircon.

He leaves it open again, ibinaba ko ang bag ko sa sofa at inilabas ang damit na nasa bag ko upang magpalit. 

Pagkatapos kong magpalit sa putting t-shirt at itim na shorts, pumunta ako sa kusina ng unit ni Grey at naghanap ng pwedeng lutuin.

I don't know kung kumain na ba siya o ano kaya magluluto na lang din ako, he told me he prefers to eat home cooked foods than to eat outside. He was food poisoned when he was 8 years old kaya nagaral din daw talaga siya magluto para sa sarili niya para hindi na maulit iyon.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon