CHAPTER 14

63 0 0
                                    

"Huh? Diba kakaalis mo lang kahapon? Aalis ka ulit?". Sunod-sunod na tanong ni Abi kaya kumurap-kurap ako sa kaniya.

"Mahina ang kalaban, teka lang". Usal ko, nagpameywang naman ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay.

"Si Rhian ba talaga ang pupuntahan mo o yung nasa taas na floor?". I can never hide something from this woman at may naisip ako!

"Bibilhan kita ng muffin tiyaka ice Americano paguwi ko". Wika ko at ngumiti pa ng malawak... Pumayag ka na, nagugutom na ako.

Nagtataka siyang tumingin sa akin pero kalaunan ay tinulak-tulak na ako palabas ng unit namin, "Shoo! Alis na! Vanilla muffin ha?". Maligalig nitong ani sa akin, kaya pala.

"Oo na, maglock ka ha?". Paalala ko at nagpaalam na sa kaniya, hindi ko pa nasasabi kay Abi eh. Naghanap ako ng masasakyan at saktong nakapara ako ng jeep, medyo malayo pero okay lang naman.

Pagkarating ko sa destinasyon ko ay dali-dali akong sumakay ng elevator, wala atang tao sa unit nila Rhian dahil nakalock tapos walang ilaw sa loob. Pagkarating ko sa harap ng pintuan na iyon ay inangat ko ng bahagya ang doormat at kinuha ang susi, ang daling manakawan ng taong 'to.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumampal sa akin ang mabangong hangin sa loob ng unit na iyon, ibinaba ko ang bag ko sa sofa at dahan-dahang naglakad papunta sa kusina.

At tama nga ang pang-amoy ko, nagluluto nga siya. I tiptoed and when I reached him, I hugged him tight from behind. Naramdaman kong hindi ito nakagalaw at tinignan ako mula sa balikat niya at sumilip ang malawak na ngiti sa mga labi nito.

"Hey, baby. You should have told me that you're coming here so I can fetch you". Mahinahon niyang usal at itinuon ulit ang atensyon niya sa niluluto niya, nanatili akong nakayakap sa likuran niya.

"Ayos lang, ibahin mo na nga yung lalagyan ng susi mo. Mabilis kang mananakawan dun eh". Natatawa kong puna, sa ilalim ba naman ng doormat inilagay. Predictable.

Umiling-iling siya at narinig ko ang mahina niyang pagtawa, "Kung itinago ko iyon baka hindi ka nakapasok". Aysus, mga katwiran mo.

Sumilip ako sa niluluto niya at tumingala upang magtagpo ang aming mga mata, bumaba siya ng kaunti at nagiwan ng halik sa aking noo. My softie.

"Anong niluluto mo?". Tanong ko rito.

"It's tuna pasta but Italian style". Parang natakam naman ako sa pagdescribe niya duon sa niluto niya, it sounds elegant.

"Ang yaman naman ng term". Natatawa kong puna sa kaniya.

"It's my special recipe since I am living independently, I studied how to cook for myself". Usal niya na mas lalo kong hinangaan sa kaniya.

Nilingon niya ulit ako at pinisil ng bahagya ang pisngi ko, sure ako mukha nanaman akong kamatis! "And now, I am cooking for you". Wika niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"I'm looking forward". Masaya kong wika, I am looking forward not just to the food that he is preparing. I am looking forward to more journeys that we'll finish together.





"Here you go". Ani nito at inilagay ang dalawang plato sa mesa, isa sa kaniya at ang isa ay sa akin. Nagningning ang mga mata ko sa nakita, it looks so perfect.

"Dig in". Masaya niyang usal.

"Thank you". Paghingi ko ng pasasalamat at kumain na and as I expected, the taste is so perfect!

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon