CHAPTER 17

63 0 0
                                    

"Naku, anak! Dalhin mo si Grey ulit dito, ha?". Magiliw na sambit ni mama habang kausap ko ito sa telepono, ibinaba ko ang tingin ko sa nakangising lalaki na nakahiga nanaman sa mga hita ko.

He mouthed 'she loves me' at me and chuckle afterward, I can't deny. 

Mahal na mahal nga ni mama si Grey, "Opo, mama. Uuwi po kami this weekend". Tugon ko habang hinahaplos ang buhok ni Grey.

"Kasama mo ba siya ngayon?". Tanong ni mama kaya nginisian ko si Grey na nakangiti ng maloko sa akin, "Opo, mama. Kasama ko po". Natigilan si Grey noong narinig ang sinabi ko.

"Pakausap ako, anak". Masiglang sambit ni mama, gusto kong tumawa dahil yung confidence sa mukha ni Grey kanina ay napalitan ngayon ng kaba. Ibinigay ko ito kay Grey at nginisian siya.

He cleared his throat and talk to my mom, "T-tita, how are you po?". Wow, polite naman niyan.

 "Yes, tita. I am taking very good care of your daughter". Hindi na siya kinakabahan, taray!

Tumango-tango ito kaya ikinataka ko ang pinagsasabi ni mama, ano kaya 'yun? 

He suddenly chuckles and nodded attentively again, "On it, tita. She's safe with me po". Ani nito at biglang natawa pagkatapos.

"We love you too, tita. Ingat po kayo lagi ni tita Cara". Ang bait talaga oh, cool yern? 

"Yes, tita. Goodbye po". Ani nito at ibinigay na sa akin ang telepono, nakita kong wala na si mama sa kabilang linya. Aba!

Napanguso tuloy ako, "Ano ba 'yan?! Pinatay niyo agad, hindi pa ako nakakapag I love you kay mama eh". Pagmamaktol ko.

Biglang umangat si Grey at hinalikan ang ilong ko na ikinalaki ng aking mga mata, wahh! Kaagad ko siyang kinurot sa pisngi niya pero tinawanan lang ako ng loko.

"Ikaw ah". Pagalit ko rito pero ngumisi-ngisi lang siya sa akin.

"At least mahal mo". Aniya.

A smile crept on my face and I brush his hair, "Pasalamat ka". Ani ko at nakita ang magandang ngiti sa labi nito, naku. Iyang mga ngiti ni Grey na ganiyan, tsk.

"I am thankful actually that you gave me a chance to prove myself to you and to make things work between us". Aniya na nagpabilis ng tibok ng puso ko, argh! I am really in love with this man.















"Apakadaya! Si Grey na ang sinasama kila tita". Pagmamaktol ni Abigail na ikinatawa namin ni Grey, it's weekend at pupunta kami ni Grey kila mama dahil request din nito.

Nasa unit muna kami dahil magdadala ako ng kaunting damit, may damit naman na ako duon sa bahay dadagdagan ko lang. Grey on the other hand is seating on the sofa waiting for me, nakikipag-bardagulan kay Abi.

"Tita Chi loves me, Abi". Rinig kong pangaasar ni Grey na nagpailing sa akin, mga batang 'to!

Suminghal si Abigail na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Grey, "Paano mo nasabi? Nauna kaming dumating sa buhay ni Jairah, akala mo!".

"But her mom loves me like her own son". Naku, sumagot ka pa.

"She also loves us like her daughter!". Si Abi talaga, hindi papatalo.

"She trusts me a lot". Gosh!

"Pinagkakatiwalaan din niya kami!". Aba!

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon