CHAPTER 15

67 1 0
                                    

"Diyan ka matutulog?". Gulat na gulat ang boses ni Abigail nang tawagan ko ito.

"Oo, ayaw akong paalisin ng isang 'to tiyaka sigurado akong traffic na ngayon". Tugon ko, narinig ko ang pagsinghap ni Abi sa kabilang linya.

"Gosh! Ang alam ko nung mga nakaraang buwan ay nanliligaw pa lang siya ah, bakit may pasleep-over na?!". Nailayo ko ang telepono ko sa tainga ko dahil sa pagsigaw nito.

"Am I missing something?". 

May halong pangaasar niyang usisa kaya namula ang mukha ko, bakit ba kasi ang lakas ng tama ko sa lalaking 'yun?

"K-kami na, last week pa". Mahina kong wika dahil baka marinig nung lalaking nasa labas, baka asarin pa ako nun eh.

Biglang natahimik si Abi sa kabilang linya kaya kaagad ko siyang tinanong, "Abi? Nandiyan ka pa?". Tinignan ko ang screen ng phone ko, hindi naman namatay ang tawag.

"Abi? Nasan ka-".

"Oh my gosh! Nakakainis ka! Ang rupok mo!". 

Napangiwi ang mukha ko dahil sa biglaan niyang pagsigaw, kahit hindi ako nakaloud speaker ay rinig na rinig ang boses niya.

"Huwaaa!". Hiyaw niya na animo'y umiiyak kaya napailing ako, hindi ko talaga alam minsan kung normal pa si Abigail eh.

Little did Jairah knows, a silhouette of a man is seen on the open-door frame and leaning to it with a genuine smile on his face.

"Ang ingay mo!". Irita kong saway sa kaniya, hanggang ngayon kasi ay ngumangawa pa din ang lokaret.

"Paanong hindi?! Binibigla mo ako eh". 

Patuloy niyang pag ngawa kaya napailing na lang ulit ako, "Ipapaalala ko lang, Abi. Hindi ako ikakasal, sinagot ko po". Natatawa kong paalala sa kaniya.

"Kahit na! Parang ganun pa din 'yun". Hay naku, ang batang 'to. 

"Iyak ka ng iyak diyan, nakadrugs ka ba?". Pangaasar ko na naging dahilan ng paglakas ng iyak nito, ang baby!

"Umiiyak na nga yung tao nagawa mo pang mangasar!". Ngawa nito.

"Oo na, sorry na po. Tumigil ka na sa pagiyak, sayang ang luha". Ani ko.

Hindi matanggal-tanggal ang mga ngiti sa labi ni Grey, he couldn't figure out why. Why is he happy seeing her smile, why does his heart beats so loud every time she took care of him, and why does he feel so empty thinking that one day she'll just vanish and leave him.

Hindi niya akalain na pwedeng niyang gustuhin ang isang babae ng ganito, he was a player afterall. A player who plays around and breaks hundreds of hearts and never took them back again, kaya hindi niya lubos maisip kung bakit.

Pero sa likod ng lahat ng katanungan sa kaniyang isip, he knows only one thing. He'd survive by having her with him, she became important to his life like she plays the role air in his life. 

Much important than that... He fully knows that he couldn't survive it again without her.

"Sige na, matulog ka na". Pagpapaalam ni Jairah sa kaibigan pagkatapos niya itong napakalma.

"Sige, may tiwala ako kay Grey na hindi ka gagawan ng kung ano kung hindi isasama ko si Cassandra at susugurin namin siya diyan". 

I suddenly felt so loved, kahit kalog lagi ito si Abi alam ko kung gaano niya ako pahalagahan.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon