CHAPTER 13

68 0 0
                                    

"This weekend na ba kayo aalis?". Narinig kong tanong ni Abi sa akin habang nagluluto ako kaya agad akong tumango.

"Oo pero bago kami dumiretso duon dadaan muna kami sa bahay". Tugon ko.

Narinig kong bumuntong-hininga si Abigail kaya sinilip ko siya at nakitang nakabagsak ang ulo nito sa countertop at nakanguso na parang nagmamaktol.

"Nakakainggit naman, si professor kasi eh. Hindi ata mahal ng magulang niya, akalain mo iyon inurong nanaman yung deadline of submission nung tatlong plates namin. Wala pa ngang pumapasok na ideya sa isip ko eh". Usal ni Abi ng may kalungkutan sa boses.

"Kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Kapag semestral break na lang tayo ulit mamasyal nila Cassandra, okie?". 

Nagthumbs-up pa ako at ipinakita iyon sa kaniya kaya nabuhayan ito at tumango ng maagap, "The best ka talaga, Jai!". Wika nito na ikinatawa ko.

"Bolera! Tikman mo na 'tong nilaga, ikaw nagrequest eh". 

Kaagad itong tumayo at tinikman ang sabaw ng nilaga na inilagay ko sa kutsara, nagangat ako ng kilay sa kaniya. "Ano?".

Marahan niyang pinaypayan ang dila niya, "Ang init!". Nasampal ko na lang ang noo ko, syempre! Kakaluto lang diba?

Pinitik ko ang noo niya at pinatay na ang kalan, "Alam mo ikaw ang slow mo minsan, syempre mainit iyan kakaluto pa lang eh". Masungit kong wika na tinawanan lang ni Abi at naghanda na siya ng kanin at inilagay iyon sa pinggan upang pagsaluhan namin.













"Infairness, pwede ka ng mag-asawa". Natatawang sambit ni Abi pagkatikim niya ulit sa niluto ko na dahilan ng pagiling ko.

"Asawa agad? Tyaka kung hindi ako matututong magluto, tag-gutom tayo. Hindi ka naman nagluluto eh". Sunod-sunod kong wika na naging dahilan ng pagiinarte nito, inilagay niya yung kamay niya sa puso niya na animo'y nasaktan.

Umirap pa siya sa akin, "Alam mo ang sakit mo minsa magsalita, pakiremind bakit kaibigan kita?". Masungit niyang sambit kaya inabot ko siya at pinitik ulit ang noo niya at napadaing siya.

"Alam mo mayuyupi na yung noo ko kakapitik mo, si Cassandra nanghahampas tapos ikaw namimitik. Mga amazona!". Pagmamaktol nito at ngumuso pa.

"Kaibigan mo ako kasi marupok ka, kailangan ng pambalanse". Natatawa kong sagot nang makaramdam ako ng kurot sa tagiliran na galing sa kaniya kaya natatawa akong nagtanong.

"Bakit? Hindi ba?". Pangaasar ko.

Mabilis siyang umiling, deny na deny lang? 

"Hindi na 'no, hinding-hindi na". Seryoso nitong sagot sa akin at inasar ko pa sa pamamagitan ng pagangat-angat ng kilay, "Ayy sure ka na diyan, bes?". Tudyo ko.

Sinamaan lang ako ng tingin at itinaas ang kanang kamay niya na parang nanunumpa. "Ipinapangako ko na hindi na ulit akong magiging marupok!". At nagawa niya akong patawanin sa seryoso niyang pangungusap.

"Clown". Asar ko ng pabulong kaya hindi niya narinig.

"Huwag mong ibahin ang usapan, matanong ko nga. Kayo na ba nun ni Atenean?". Bigla akong nasamid sa tanong niya, natawa pa nga!

"Alam mo kayong magkaibigan, tirador ng Atenean". Naiiling pa niyang usal na tinutukoy kami ni Cassandra, kung katabi ko lang siya ay nabatukan ko na siya kaagad.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon