CHAPTER 2

109 3 3
                                    

Nakasakay na ako ngayon sa bus at dahil medyo napaghandaan ko ay sumakay ako sa airconditioned na bus, dalawang oras ang biyahe ko papunta sa probinsya namin.


Hindi pa ako nakakalayo sa terminal ay nakareceive ako ng text galing sa dalawa kong kaibigan at kay mama, una kong binuksan ang mensahe ni mama.



From: Mama

Nak, ingat sa biyahe ah. Naghahanda na kami ng tita mo sa mga lulutuin, love you nak.



Gumuhit ang mumunting ngiti sa aking mga labi nang mabasa ang mensahe ni mama, kahit wala na si papa ay blessed pa din ako dahil nariyan naman si mama.



To: Mama

Salamat, ma. Looking forward na po ako sa kaldereta 😊



Sunod ko namang binuksan ang mensahe ni Cassandra dahil sumunod siya kay mama.



From: Buwan <3

Nasa biyahe ka na, Jai? Ingat ka, kamusta mo na lang kami kay tita. Labyahh girl!



Lord, ano pong pinakain mo kay Cassandra at ganito katamis? Joke.



To: Buwan <3

Nasa biyahe na po, salamat. Ikakamusta na lang kita kila mama, labyahh buwan!



Huli kong binuksan ang mensahe ni Abigail, hindi ako favoritism ahh. Save the best for last nga kasi, char.



From: Alien Abi

Pasalubong ko ah? Kamusta mo ako kila tita, ingat ka sa biyahe. Wag kang maaksidente ha? Uuwi ka pa dito.



Kahit kailan talaga walang nasabing matino itong babaeng ito, parang gusto pa akong malagay sa trahedya dahil sa text niya eh. Jusme.



To: Alien Abi

Lokaret, uuwi ako ng walang galos dahil baka mamatay ka sa gutom diyan at baka matambakan ka ng hugasin pag wala ako diyan.



Ako kasi ang naghuhugas at nagluluto, marunong naman siya ng mga iyon pero ako kasi ang nakatoka. Late din siya umuuwi dahil nga nagpapakaloka siya sa boyfriend niya kuno.


Itinago ko ang telepono sa bag ko na nakalagay sa gilid ko at sumandal sa upuan, tumutok lamang ako sa tanawin sa labas. Ang ganda ng mga ulap, ang ganda ng langit. Hindi siya gaanong maaraw at hindi rin gaanong makulimlim, tama lang.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon