CHAPTER 11

92 5 0
                                    

"Ahh! So, courting stage na 'yan?!". 

Napatakip ako sa tainga ko nang tumili si Abigail, kinekwento ko sa kaniya yung nangyari kanina. Kanina pa din umuwi si Grey dahil baka maabutan pa siya ng traffic.

Tumango ako at tinakpan ang bibig niya, "Huwag ka nga munang maingay diyan! Ang sakit sa tainga ng sigaw mo". Pabulong kong sigaw sa kaniya, ang kulit kasi eh.

Nagpeace-sign siya at nagkunwaring super saiyan na animo'y sumisigaw pero walang tunog kaya natawa na lang ako at binatukan siya, "Sabi ko wag kang maingay hindi ko sinabing wag kang gumawa ng tunog". Natatawa kong usal.

Normal pa ba itong kaibigan ko?

"Ayy sorry na, sabi ko na talaga eh. Kanina pa lang sa kotse alam ko ng may something, yung mga palihim niyang sulyap sayo habang nakatalikod ka, yung mga ngiti niya pag binabara mo ako... Bingo! Ang bright ko talaga".

Pagkasabi niya nun ay tumayo siya sa kama ko at nagsasasayaw, "Bumaba ka nga diyan, masisira pa yung kama ko eh". 

Hinatak ko ang kamay niya kaya bumagsak siya paupo sa kama ko, sinamaan niya ako ng tingin at umirap.

"Ayy ang bad!". Nilabas ko ang dila ko upang asarin siya kaya humalukipkip na lamang siya, defeat!

"Oo, pinayagan ko siya". Wika ko at kinuha ang unan bago sumandal sa headboard ng kama ko, "Gosh! Ang rupok! Anong nangyari duon sa hindi nga kayo magkaibigan? Gosh! Ang scam mo, girl!".

Sigaw ni Abi pero hindi na kasing ingay kumpara kanina, binato pa ako ng unan na kaagad kong nasalag. "Wala akong mapapala kung iisipin ko lang ng iisipin yung mangyayari without trying and seeing the real result".

"True ka naman diyan pero sure ka na ba? I mean, support lang naman ako sayo pero iniisip ko yung mangyayari sayo eh. Ayaw kong masaktan ka, Jai".

Natahimik ako sa sinabi ni Abi, "Ayaw ko din pero lahat ng pagsugal may kaakibat na sakit, kailangan mo na lang magpakatatag at harapin iyon".

"Hindi ka ba natatakot sa mga pwedeng sakit na idulot ng pagsugal mo?".

"Natatakot pero kailangan ko lang siyang pagkatiwalaan at mas palakasin ko ang sarili ko sa mga pwedeng dumating na pagsubok". Seryoso kong wika.

Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Abi at itinukod ang siko niya sa unan na nasa kandungan niya. "Hay, ang mature mo na mag-isip. Minsan naiinggit ako sa inyo ni Cassandra sa lawak ng pagunawa niyo... Yung mga bagay na negatibo sa akin ay ginagawa niyong positibo".

"Maturity is a choice, if you want to have a better life then choose to improve your perspective. You're also matured... May mga bagay lang na pumipigil sayo na palabasin iyon". Ayaw kong ikumpara niya ang sarili niya sa amin because she's beautiful and she's enough on her own way.

Mabilis siyang tumango at malawak na ngumiti sa akin. "I can only pray for the best for you and Grey, bes pero tatandaan mo kapag ginawan ka ng hindi maganda niyan... Kami ang makakalaban niya".

Natatawa akong tumango sa kaniya, "Kailangan ko na siyang warning-an". Natatawa kong usal, tumango naman si Abi bilang pagsang-ayon. "Oo, kailangan talaga".

Sa kalagitnaan ng paguusap namin ni Abi, tumunog ang telepono ko. Hindi ko na natignan ang caller I.D. at sinagot ko na lang agad.

"Hello? Sino 'to?".

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon