CHAPTER 22

144 1 0
                                    

"Cabin crew, prepare for take-off". Anunsyo ng piloto, nagkatinginan kami ni Densyl na kapwa ko flight attendant at tahimik na naupo.

Some of the passengers were scared, some were asleep, and some are taking pictures. Nakakatuwang pagmasdan ang isang pamilya na malapit sa amin, nakangiti ang bata habang yakap-yakap siya ng kaniyang ama.

The kid's mom is smiling genuinely while looking at her husband and son, such a beautiful view. Kada may lipad kami, hindi ko maiwasang tignan ang mga pasahero.

Lalo na ang mga pasahero na may kasamang pamilya, hindi ko pa naranasang umalis ng bansa kasama ang mga magulang ko ng buo kami pero kada lumilipad na ang eroplano, I felt like I am inch closer to my dad.

And that made me really happy.

Naramdaman kong wala na kami sa lupa at ligtas ng napalipad ang eroplano, it smoothly left the ground.

Maya-maya lamang ay nakarinig kami ng tunog pagkatayo ng purser namin, she will make an announcement.

"Ladies and gentlemen, the captain has turned off the fasten seat belt sign, and you may now move around the cabin. However, we always recommend to keep your seat belt fastened while you're seated. In a few moments, the flight attendants will be passing around the cabin to offer you hot or cold drinks, as well as breakfast. Enjoy the flight, thank you".

After the announcement of our purser, mabilis naming tinanggal ang seat belt sa katawan at tumayo na. Pumunta ako sa galley para ilipat sa trolley ang mga pagkain, I am assigned in the business section today.

"Ang saya mo siguro ngayon". Puna ni Densyl na katabi ko, mabilis ko siyang tinanguan habang naghahanda ng pagkain. 

"Oo naman, malapit na tayong makauwi eh". Tugon ko.

This flight is from Japan to Philippines, nanatili kami ng isang araw sa Japan bago ang sunod na flight pabalik and I can say, I enjoyed the small tour.

"True, ikaw nga din ata ang may pinakamaraming picture kahapon, girl". Asar niya na tinawanan ko lang, "Of course, memories din 'yun". Ani ko at naglakad na papuntang business class.

The beauty of the business class stood out in my eyes, lumapit ako sa isang negosyante duon na matandang babae at ngumiti ng matamis. 

"Coffee, ma'am?". I asked the woman and she smiled widely.

"Yes, please". Aniya kaya mabilis akong kumilos at binigyan ito ng kape, "Your smile is astonishing, sweetie". 

Napabalikwas ako pabalik sa matandang babae at marahan akong yumuko as a sign of my gratitude.

"Thank you, ma'am". I said sweetly and assist more passengers.

Lumapit si Aria sa akin na kasama ko din na naka-assign sa business class at tinuro ang isang pasilyo, "Ikaw na sa side na 'yun, girl. Nakakawala ng focus yung nakaupo eh". Napataas ang gilid ng labi ko at bahagyang natawa sa sinabi ni Aria.

"Bakit? Sikat ba?". Tanong ko.

Mabilis siyang tumango at ngumiti ng malawak, "Kasama sa bachelor's magazine, mars!". Tugon niya na tinawanan ko lang at binaliwala, sanay na akong makakita ng mga skita na tao dito.

This airport is also famous kaya marami talagang mga artista at sikat na mga tao na nagiging pasahero dito, itinulak ko ang trolley at humarap sa helera na iyon.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon