CHAPTER 4

102 3 14
                                    

"So, saan ka na niyan?". 


Usal ko habang naghahalo ng niluluto ko, kausap ko si Rhian ngayon. Bigla raw tinaasan ang renta duon sa boarding house na tinutuluyan nilang magkaibigan, bakit naman ganun?


"Naghahanap pa kami ate pero may nakita naman na yung mga kaibigan ko, malapit po sa ADMU". 


Natigilan ako sa sinabi nito, "Mabuti naman, kuhanin niyo na iyon para next year madali na lang sa inyo".


Natahimik ang kabilang linya kaya napatingin ako, okay pa naman. May kausap pa naman ako muntik pa akong mapatalon nang biglang nagsalita si Rhian, jusko po!


"May nagturo po sa amin nung apartment na iyon, ate. Yung lalaking kausap mo po nung pumunta tayo duon, kaibigan mo po ba iyon?". 


Kumunot ang noo ko sa sinabi nito, si Grey lang naman ang kausap ko noong pumunta kami duon.


"Saan niyo siya nakita?". Puno ng pagtataka kong tanong.


"Duon din po nananatili si kuya eh, sabi niya sa third floor lang siya. Atyaka tinulungan po niya kami makakuha din ng discount, ang bait po niya". Magiliw na sagot sa akin ni Rhian.


Bakit naman gagawin ni Grey iyon? I mean, isang beses pa lang naman kami nagkikita. Hindi sa assuming ako ah pero parang ganun na nga, joke.


"Ah sige, mas mabuti na iyan. Kung kaya niyo na, kuhanin niyo na iyan. Para hindi na kayo mahirapan". Sabi ko habang inilalagay ko na ang ulam sa lalagyan.


Inilayo ko muna ang telepono ko sa bibig ko at sumigaw, "Abigail! Kain na tayo!". At binalik ko na ang cellphone malapit sa bibig ko.


"Nakapagdown naman na po kami, ate. Pwede na po kami magstay dito, ang baba nga lang po namin nakuha. Parang may 50% kaming discount, ang galing ni kuya eh". Puno ng paghanga ang boses ni Rhian.


Napailing na lamang ako, "Oh sige, bibisita na lang ako diyan kapag free time ko na. Ingat kayo palagi". Lumingon ako sa pinto ng kuwarto ni Abi at nakita ko itong lumabas galing duon.


"Sige, ate. Salamat po". At ibinaba ko na ang tawag, kumuha na ng plato namin si Abi at umuwi na kami. 


"Wahh! Nilaga! Thank you, Jai". Tipid na ngiti lamang ang itinugon ko habang nakatingin pa din sa aking telepono.


I keep on biting my nails, magpapasalamat ba ako kay Grey o dapat sila Rhian na lang? Gusto kong magtanong bakit niya ginawa iyon pero dapat magpasalamat akong ginawa niya iyon.


Nagulat ako nang may biglang pumitik sa noo ko at nakita ko ang salarin na nakatingin sa akin na parang naweweirdan.


"Oh, nandiyan ka na pala. K-kain na tayo". Bakit ako nautal? Oh my gosh! Kakaiba pa din ang tingin sa akin ni Abi kaya sinubuan ko siya ng nilaga, sinulpak ko actually.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon