CHAPTER 16

67 1 0
                                    

"Ahh! Kastress na minsan si sir Alvarez!". Ngawa ni Abigail at sinandal ang ulo niya sa lamesa, nasa cafeteria ulit kami at iniintay si Cassandra. Pauwi na kami pero iniintay muna namin si buwan.

Inabot ko kay Abi ang isang supot ng cookies, binake namin ni Grey kahapon. "Kaya 'yan, kumain ka muna oh". Ani ko.

Kaagad niyang binuksan ang supot at kinain ang cookies, nakita kong tumango-tango ito. Well, masarap talaga 'yan.

"Ikaw nagbake? Bakit parang mas masarap?". Natawa ako sa sinabi nito, insulto ba 'yun o compliment? 

"Kami ni Grey, binake namin kahapon 'yan". Masaya kong usal.

Nagangat-angat ang kilay nito na animo'y nangaasar, tignan mo 'to. Hindi na lang magpasalamat, nangasar pa nga.

"Pakisabi kay Grey aasawahin ko na lang siya, sarap magbake eh!". Malokong usal nito habang may malaking ngisi pa din sa labi, nilibot ko ang tingin sa lamesa namin at may nakita akong kumpol ng tissue.

Kaagad kong dinampot iyon at ibinato sa kaniya, "Hindi na kita bibigyan ulit". Pagbabanta ko, aagawin pa nga.

Natatawa itong ngumuso na parang nagmamaktol pa, "Ang damot, kahit isang araw lang. Paranas lang-". 

Hindi ko siya pinatapos at binato ko naman ang panyo ko sa kaniya, aba!

"Hindi na talaga kita lulutuan, badtrip ka". Ani ko habang tuwang-tuwa ang lokaret sa harapan ko.

"De joke lang pero ang sarap, 100 'to for me". Napangiti naman niya ako sa feedback niya, pati si Abigail nahuhumaling sa pagluluto at pagbibake mo. 

Kailangan talagang bakuran, char.

"Kaming dalawa gumawa niyan, credits din naman sa akin ohh". Asar ko pero inirapan lang ako, favoritism siya!

"Bahala ka diyan, mas favorite ko na luto ni Grey". Mapangasar nitong singhal, ahh ganun?

"Wala kang utang na loob bata ka! Binuhay kita at pinagluto!". Ani ko at todo irap sa kaniya, sino kaya ang nagluluto lagi para sayo huh? Gigil mo ako!

Tumawa ito at nagpeace-sign sa akin, "Char lang po, nanay. Favorite ko luto nung bebe mo pero love ko naman ang iyo". Aba, bumabawi. Mabait na bata.

"Okay, kumain ka na diyan". Masigla kong wika.

"Ahh! Pagod!". Napatingin ako sa likuran ko at nakita si Cassandra na minamasahe ang kaniyang balikat, kaagad itong umupo sa tabi ni Abi at isinalampak ang sarili sa lamesa.

"Ohh, kumain ka muna". Alok ni Abi ng cookies, tumingala si Cassandra at nagtugma ang mga kilay.

"Nag bake ka? Himala". Natatawang puna ni Cassandra na kaagad inilingan ni Abigail.

"Magaaksaya pa ako ng oras, hindi ako gumawa niyan. Kumain ka na lang". Wika ni Abigail at inabutan ng isang pirasong cookies si Cassandra, agad namang kumagat si buwan duon at kuminang ang mga mata.

"Huy!". Masayang sigaw nito at biglang dumapo sa direksyon ko ang tingin niya, "Ikaw gumawa? Ang sarap!". Kaagad akong napangiti sa sinabi nito, kailangang makarating ito kay Grey!

"A-ano... Oo". Simple kong wika, akmang sasabihin ko na sana ang tungkol sa amin ni Grey nang tumunog ang telepono ni Cassandra. 

"Teka". Ani nito at sinagot ang telepono.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon