PROLOGUE

288 66 29
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction and imagination. This story might contains sensitive words and sensitive scenes. This story is based a little bit in a true experience of the author. So if you'll find some very familiar scene, maybe because you know the author personally. This story is not for everyone. Some scenes can trigger traumatic events. Read at your own risk. Please spread no hate just peace.


-Notyourstostart

-

"Someday someone's gonna love me~" natigil bigla ang kanta ng bunutin ng pinsan ko ang earphones ko.

"Insan, grabe namimiss kita" saad ng pinsan kong si James. Nasa sasakyan kami ni tita. Kakasundo lang nila sakin sa airport.

Ngumiti lang ako sa kaniya bilang sagot.

Tinignan ko ang mga building na nagtataasan dito sa Maynila. Saka ako nagbaba ng tingin.

Sa dami ng pinagdadaanan ko kailangan ko ding tumakas sa mga problema ko. Lahat kailangan kong takasan makalaya lang ang sarili ko.

Galing akong probinsya at magaaral ako dito sa Alabang para ipagpatuloy ang 3rd year college ko sa Philosophy course.

"Ferrielle okay ka lang ba? Malapit na tayo" Nakangiting baling sakin ni tita sa salamin ng sasakyan.

"Oo naman tita" maikling sagot ko sa kaniya.

Hindi din matigil sa kakadaldal tong katabing pinsan ko. Minsan sinasagot ko siya, minsan din nginingitian lang.

Ewan, anong nangyare sakin. Maski yata ang ngumiti nakakapagod na.

"Insan, sa San Beda ka din magaaral" pangungulit ni James sakin habang papasok kami sa bahay nila.

Tinignan ko muna ang kabuoan ng bahay saka ako napangiti sa sarili ko. Welcome Mary Ferrielle Arellano sa bago mong buhay.

Malaki ang bahay nila tita. Nakakahiya nga e kasi di naman kami magkadugo ni Tita pero sobrang bait niya sakin.

Mula nung namatay si Tito na kapatid ng Papa ko siya na ang nagtaguyod kay James ng magisa. Direktor naman kasi siya sa Hospital kaya medjo hindi mahirap kumita ng pera ng magisa.

"Oo nakakuha ako ng scholarship don no at siyempre nakapasa" taas babang kilay na paliwanag ko. Saka niya ako pabirong hinampas.

"Ha, ang init naman ng panahon pero bat may bagyo?" Pangaasar niya sakin na tinawanan ko lang.

"Tara na" aya niya sakin sa loob. Bahagya naman akong napangiti. Bagong buhay, bagong Ferrielle.

Biglang pumasok sakin ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon pero mabilis ko din yung iwinaglit. Ayokong maging emosyonal na naman.

Sa buhay ko isang malaking kasalanan ang umiyak at manghina.

"Bukas mo aayusin ang enrollment mo Fe? Gusto mo samahan ka ni James bukas?" Concerned na ani ni tita sakin habang kumakain kami sa hapag.

"Ayy tita kaya ko po. Nadaanan naman natin ang San Beda kanina kaya medjo kabisado ko na ang daan" magalang na tanggi ko sa kaniya.

"Hindi, sabay na kayo ni James" giit niya sakin.

"Mauna ka na Insan, kita nalang tayo sa starbucks. Kikitain ko pa girlfriend ko e" makulit na sabi niya sakin na inirapan ko lang.

"Edi ikaw na may lovelife. Mauuwi din naman yan sa salamat sa lahat" bitter na ani ko na ikinagulat nila.

"Sa sagot mo palang Insan alam konang wala kang jowa" natatawang sagot pabalik sakin ni James. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka inilingan at nagpatuloy lang sa pagkain.

Kinabukasan, nakabihis na ako para pumunta sa papasukan kong eskwelahan.
Nagpaaalam lang ako kila tita at James na tulog pa bago dumiritso palabas. Napabuntong hininga muna ako bago naghanap ng grab.

Nagmamadali akong pumasok sa eskwelahan. Sa pagmamadali ko hindi ko namalayang may nabangga na pala ako.

Payat sya, maputi, matangkad, hindi ko bahagyang klaro ang mukha, nakasalamin.
Unang pumasok sa isip ko gwapo to pero wala akong interes.

Bahagya ko lang siyang tinapik sa likod saka nagpatuloy sa paglalakad na parang pagmamayari ko ang mundo at wala akong pakealam sa paligid ko.

"You're officially a student here. Welcome" maikling ani ng Dean sakin. Saka ako ngumiti sa kaniya ng bahagya at tinanggap ang kamay niya.

"Thanks po Dean" sagot ko na tinanguan niya lang.

"Insan nasa Starbucks ako halika dito lilibre kita at may ipapakilala ako" makulit na ani niya sakin sa tawag. Napailing nalang ako sa kakulitan niya.

Ang daming energy ng lalakeng to, saan to nagmana?

"Oo na papunta na diyan" sagot ko saka nagmamadaling lumabas sa school at nag grab.

"Insan, Insan" kakapasok ko palang sa Starbucks bumungad na agad sakin si James na nakawagayway ang kamay habang may katabing babae.

Tumaas naman ang kilay ko pagtingin sa katabi niya. Mukhang alam ko na kung sino to ah.

"Insan halika may ipakilala nga pala ako" hawak niya sa siko ko na parang bata. Nginitian ko lang ang babae na bahagyang nakatingin sakin na parang nagulat.

'Bakit? Na starstruck sya sa ganda ko?' Mayabang na saad ko sa isipan.

Pero pamilyar siya ah saan ko nga pala siya nakita?

"Insan this is my girlfriend, Lileane and Babe pinsan ko nga pala si Ferrielle" pagpakilala niya.

May biglang pumasok sa isip ko na dahilan kung bakit siya pamilyar. Pero mabilis ko yung iwinaglit sa isipan ko. Imposible!

"Ferrielle" lahad ko sa kamay ko. Nakatingin pa din siya sakin na parang nakakita ng multo.

"May kasama pa pala kami Insan" mabilis kong binalingan si James na nakanguso na ngayon sa mga lalakeng pumasok sa Cafe.

Kumunot naman ang nuo ko sa mga lalakeng pumasok. Pero isa lang ang nakaaagaw sa atensyon ko. Payat, matangkad ngayo'y wala ng salamin.

Kingina. No way.

Siya yung nakabangga ko kanina sa school at siya y-ung.

Mabilis kong binaba ang tingin ko sa ID niya at mas nawindang ng mabasa ito.

Bigla akong binalutan ng kaba saka tinitigan sa mata yung Lalakeng yon.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya pagtingin sakin.

Umawang naman ang bibig ko sa realization.

"Rissle" ani ko sa sarili. Alam kong matagal ko na yung binaon sa limot. Kaya ngayo'y bumabalik lahat.

Yung saya, kilig, inis, galit at sakit lahat lahat na akala ko natangay na ng kahapon ay ngayo'y bumabalik.

(notyourstostart)

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon