CHAPTER 15

62 40 0
                                    

'Already died'

Kinabukasan alas kwatro palang ng hapon ready na ako at naghihintay nalang ako na sunduin ni Stickman.

"Hala gagi, Saan ako matutulog kung gagabihin kami aish magpapahatid nalang ako pabalik kay stickman dito" mahinang saad ko sa sarili.

Nakita kong nag beep ang phone ko at nag text si Riss.

Mister ko:

Im here baba kana misis ko

Hindi ko na sya nireplayan at mabilis kinuha yung bag ko. Wait ano pang kulang uhm naka lipstick na ako at make up, naka dress na maganda para wala silang mapuna don.

"Hala oo nakalimutan ko" mahinang bulong ko sa sarili saka kinuha yong binake kong cupcakes para sa kanila. Pagkakuha ko ng cupcakes mabilis akong nagpaalam kay Tita at James then lumabas ng bahay para makita si Riss.

Paglabas ko nakita kong masungit na tingin ni Riss sakin habang nakakunot ang nuo. Bahagya naman akong napatigil.
"Uhmm may mali ba?" Kinakabahang pagtatanong ko baka overdress ako or kulang pa baka-

"Fe you don't wear make ups nang hindi pinipilit" mataman na sabi niya sakin at napalunok naman akong sinagot sya.
"Why? Ngayon lang naman to or if your mom wants someone na ganon maybe I will like it instantly" wala sa sariling sagot ko sa kanya. Narinig ko naman siyang bahagyang napasinghap.

"Ferrielle" nagulat naman ako sa sobrang kaseryosohan nya. Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.
"You don't have to change a thing baby, Just be yourself please" ani niya sakin saka hinaplos ang buhok ko at ilang beses akong hinalikan don. Tinangoan ko na lang siya bago pumasok sa sasakyan at lumargo na.

"Malapit na ba tayo?" Di mapakaling tanong ko kay stickman sa sasakyan.
"Relax misis ko ako bahala sayo" mas kinabahan naman ako sa sinabi niya kaya tumungo nalang ako.

"What if hindi nila ako magustohan?" Seryosong tanong ko kay Riss. Nakita ko namang biglang nagbago ang reaksyon niya.

"No, magugustuhan ka nila" parang pinal na saad niya sakin kaya tumahimik nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.

Nandito na kami sa bahay ba to kung tatawagin o mansion na. Mahihiya kang pumasok kasi sa labas palang halatang babasagin lahat ng gamit. Naignorante naman ako sa mga gamit nila sa loob nang nakapasok kami. Pinalibot ko ang tingin ko.

Yung bahay kasi ni Tita malaki, oo pero lahat simple lang sa mga gamit kaya nakakaignorante talagang makakita ng ganito.

"Hahanapin ko muna si Mama diyan ka muna sa sofa ha, babalikan kita" pipigilan ko pa sana siya dahil kinakabahan ako pero mabilis syang nakaalis kaya tinutok ko na lang ang atensyon ko sa Malaking portrait na makikita mo sa sala.

Si Riss yong nasa gitna at I bet yong mama at dada nya yung nasa both sides. Malamang Fe. Kinuha yata to nung teenager palang si Riss. Napahagikhik naman ako ng mahina.

Sobrang putla niya non at payat hanggang ngayon pa din naman psh. Pero ang gwapo ah puwede nang pumalit sa manok ni San pedro.

"Ang gwapo ng gago amp." Hindi ko sinasadyang mapalakas yon. Lilingon na sana ako kung may nakarining nang may tumikhim sa likod ko. Domoble naman ang kaba ko at saka kinalma muna ang sarili saka nilingon kung sino man ang nasa likod ko.

"What are you doing?" Seryosong ani ng Hala pakshit Mama ni Riss. Hindi muna ako nagpahalatang kinabahan ako bago siya sinagot.
"Ah tinignan ko lang ang portrait Maam, and by the way may binake akong cupcakes para sa inyo" diretsong ani ko sa kanya pero nanlalamig na ang kamay ko.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon