"Riss, Riss" nagising ako ng madaling araw dahil ginising ako ng asawa ko.
"What?" Inaantok na sagot ko sa kaniya.
"Can you give me a strawberry with salt please" nagpapacute na pakiusap niya.
Bigla namang nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Ano daw? Strawberry na may asin? Magtatanong na sana ako ng panlakihan nya ako ng mata.
"Okay, okay I'll get it" pagsukong sabi ko. Bumaba naman ang tingin ko sa tiyan niya. Excited na akong maging tatay.
Pagbalik ko nakita ko siyang nagbabasa ng libro. She's already 4 months pregnant. Palala ng palala din ang mga cravings niya.
I still remember how she interrupt me in my trial just to tell me na gusto niya ng nutella na may mayonnaise.
"Misis ko eto na" inangat niya naman ang tingin niya sa dala ko saka sakin.
"Where's the salt?" Agad na pagtatanong niya.
Pabuntong hininga ko namang inalala ang nakaready na explanation ko.
"Misis ko, I tasted it and its awful. Not good for you and our baby" sa totoo lang kinakabahan na ako sa mga tingin niya.
Damn it sa mga criminal hindi ako takot pero sa tingin pa lang ng asawa ko nanginginig na ako.
Alagad ako ng batas pero asawa ko ang batas ko.
"Hindi mo sinagot yong tanong ko. I clearly said kanina na strawberry with salt" napipikong sabi niya sakin. Napalunok lunok naman ako. Saka napagdesisyonang kumuha nalang ng asin.
Pagbalik ko, may dala na akong asin. Masayang nilantakan niya naman ito.
"You want?" Tanong niya habang puno ang bibig ng pagkain. Mabilis naman akong umiling.
"No, I want you to try it" pilit niya sakin.
"Misis ko, busog ako" kalmadong sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman siyang natigilan at saglit na natulala na parang may narealize.
"You don't love me anymore" mahinang sabi niya at nagulat nalang ako ng namasa ang mata niya.
"Shush, no alright I'll eat it" pagsuko ko kasi parang dinurog ang puso ko ng makita siyang maiiyak na.
Hays. Ganito ba talaga pag buntis?
"Im excited to know the gender" pangungulit ko sa kaniya habang nasa sasakyan kami. Bagot na bagot naman ang mukha niya at inaantok na pinakinggan lang ako.
"I was really hoping for a son. Baka pag babae, dalawa na kayong sakit ko sa ulo. Sa susunod na taon nalang ang babae" pinahina ko ang boses ko sa huli pero di ko akalaing maririnig niya pa rin.
"Are you saying na sakit ako sa ulo? And no hindi kana makakaulit" Mariin na tanong niya sakin.
"No, I mean well yeah pero mahal naman kita at misis ko naman" but that doesn't work dahil inirapan niya lang ako.
"Hello Riss, Hello Ferrielle" nakangiting bungad samin ni A. Siya ang magpapaanak kay Ferri.
"Excited na ba kayo?" Saka namin sinimulan ang ultrasound.
"Congrats wahhh its a boy" patiling sabi ni A. Umawang naman ang labi ko sa gulat at saya saka naiyak.
"Im having a son" sigaw ko saka hinalikan ang baby bump ni Ferrielle.
"Thank you. Thank you" sabi ko kay Fe ngayun na nakangiting nakatingin na sakin saka siya hinalikan ng mabilis sa labi.
"Rissle" nasa bahay ako ngayon nila Mama may kinukuhang papeles na naiwan ko sa kwarto ko nang tumawag ang asawa ko.
"It hurts" kinabahan ako sa sinabi niya kaya nagmadali akong bumaba ng hagdan.
"Misis ko sumigaw ka kay Yaya Grace" hinihingal na na sabi ko sa kaniya habang pinaharurot ang sasakyan.
"Pumutok ang panubigan ko Riss" kalmadong sabi niya sakin kaya mas pinaharurot ko ang sasakyan ko. Malapit lang naman ang bahay namin.
"A, my wife, m-y son" bungad ko sa hospital saka pinadiritso siya sa emergency room.
"A, Puwede ba pumasok?" kinakabahang sabi ko sa kaniya nang tumango siya mabilis kong hinawakan ang kamay ni Fe.
"Misis ko, shush its okay. Kaya mo to. For our son kaya mo to" paglalakas ko sa loob pero nagulat nalang ako ng tinampal niya ang kamay ko saka pinaikotan ako ng mata at ngumiwi.
W-hat?
"Ferrielle I need you to-" hindi na natapos ni A ang sasabihin niya ng putulin siya ng asawa ko saka sumigaw.
"I know."napamaang naman kami.
"Okay Umere kana" sabi ni A.
"Arghhhhhhhh Rissle Aries. Sa kalsada ka matutulog ng isang buwan" sigaw nya sabay ere. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagfocus sa paghawak sa kamay niya na mahigpit ng nakakapit sakin.
"Ikaw na gago ka" dagdag niya sakin. Pinagpawisan naman ako sa kaba sa panganganak niya at sa mga sinasabi niya.
Nang tuluyang lumabas ang bata. Biglang nahimatay si Fe. Hindi ko alam saan unang babaling sa asawa kong nahimatay o sa anak kong tinatampal tampal na ni A.
"Its normal. Here" malambing na sabi ni A saka binigay ang anak namin sakin. Nung una nanginginig pa akong hawakan siya.
"I love you both" sabay lagay ko sa anak ko sa tabi ni Fe.
"Congrats"
"Congratulations"
"Inaanak ko"
"Ang gwapo"
"Buti at di kamukha mo dude"
"Kulay lang yata nakuha sayo, anak mo ba talaga to?"
Pangaasar nila.
"Shush natutulog pa ang magina ko" suway ko sa kanila. Feel na feel ko na talaga ang pagiging tatay.
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi.
"Congrats dude you did great. Pero sana kinambal mo" mahinang sabi ni Luhan sakin.
"Oo nga pano ba yon?" Curious na tanong ko sa kaniya, tapos binatokan niya ako.
"Congrats Riss" medjo matamlay na sabi ni MD sakin pero nakangiti. Pinasalamatan ko naman silang lahat sa pagbati.
"Omygod kamukha mo Riss except sa mata" namamanghang puna ni Lileane sa anak kong ngayoy masungit na tiningnan sila.
Mukhang magiging kaugali pa yata niya yong mama niya.
"Dapat pinakaba mo muna" batok sa kaniya ni Lance. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ngayon niyo pa nalaman na nanganak ako?" Biglang pagtatanong ni Fe sa kanila. Nagulat naman ako kasi nagising siya ulit.
"Misis ko" tawag ko sa kaniya pero di niya ako pinansin.
"Pumunta kayo dito ng walang dala. Mahusay" sarkastikong sabi niya na tinawanan lang ng lahat.
"Ang gwapo ng baby niyo" ani ni Glo sabay kurot ng mahina sa pisngi ng bata.
"Nag alcohol kaba?" Masungit na tanong ni Fe sa kaniya.
"Oo no, kilala kita ang OA mo kaya" singhal ni Glo kay Fe na tinawanan ng iba.
"Misis ko" ngayoy nilingon niya ako. Lumambot naman ang ekspresyon niya pagtingin niya sakin saka pagtingin niya sa anak naming bitbit ko.
"Riffle Draco Lawrence Arellano Velleza" madamdaming tawag niya sa anak namin.
Nahawa din ako sa damdamin na pinalabas niya.
"I love you, thank you for bringing him to the world" bulong ko sa kaniya saka hinalikan siya sa labi.
"I love you too, Thank you. You're a good father and a husband. Im so lucky" naiyak naman ako sa sinabi niya.
"Yon oh"
"Ang haba ng pangalan"
"Wahhh ang gwapo ng name"
"Chickboy to paglaki"
"Mana sa pinsan ko"
"Mana nga sa kapatid ko"
"Wah hindi mana kaya siya kay Riss"
"Riss may disipolo kana"
"Ganyan na ganyan mukha ni Fe nung bata pa" sabi ng Mama ni Fe.
"Sorry balae pero kamukha siya ng anak ko" laban din ni Mama saka sila nagtawanan.
Mga ani nila pero hindi namin pinansin.
Pinagdikit ko yung mga nuo namin habang pinapagitnaaan ang baby naming ngayo'y nakangiti na.
Thank God,
I love them.
(notyourstostart)
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
Storie d'amoreYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...
