CHAPTER 21

52 32 0
                                        

'Birthday Celebration'

Isang linggo ang nakalipas at magaan sa loob kong icelebrate ang birthday ko ngayong araw kasi walang masamang nangyare.

Nakangiti sa labi kong sinimulan ang araw ko at tinawagan si Jeremy para sa overnight namin. Two days and one night lang kami don kasi may trabaho.

"Tara na" sigaw ni Jeremy sa mga kasamahan namin na sasama. Si Fe shempre. Yung mga kambal, si Kuya Seb, MD, Shiela at James. Wala si Lyssa kasi nagkaproblema daw sila ni Russell. Si Ace naman wala sa pinas. Hindi ko din alam pano napapayag ni Fe si Shiela at James, lalo na't nandito Si Lileane at Luhan.

Sinama ko din si Peppa yung anak ni Mary na aso namin. Nasabi ko na din kay Misis ko na namatay si Mary sa pagpanganak kay Peppa.

Maikli lang ang biyahe namin papunta sa resort nila Luhan. Sa Van palang kami ramdam na namin ang awkwardness ng iba. Buti nalang nandon si MD para aliwin ang iba para di magiging awkward ang biyahe.

Pagkarating namin don mabilis naming inayos ang gamit namin sa kaniya kaniyang kwartong binigay samin sa rest house nila.
"Happy birthday ulit mister ko" bulong ni Fe sa tabi ko sabay halik sa pisngi.
"Pangilang bati mo na yan?" Pangaasar ko sa kaniya.
"8 yun kasi ilang birthdays mo ang hindi ko nadalohan" nakangiting bati niya saka ginantihan ko naman yon.

"Please lang wag maglandian, marami kaming bitter dito" nakataas na kilay na masid ni MD samin at sinegondahan naman yon ng iba na walang love life tsk.

"Oh magsama na sa iisang kwarto yong misis ko at mister ko ang tawagan para advance honeymoon" pasigaw na ani ni MD at nakakalokong tumawa. Mabilis na binatukan naman siya ni Fe.
"Tumahimik ka nga" masungit na saad ni Fe sa kaniya.

"Aba, aba hoy makabatok akala mo bati na tayo? Asa ka" malditang sigaw niya dito at napailing nalang siyang tinalikuran ni Fe para ayosin ang magiging kwarto nila ng girls.

Hindi na nakakapagtaka kung bakit tahimik si Shiela at James. Si Lileane halatang di mapakali sa kinauupuan at si Luhan busy sa pagaayos sa kakainin namin sa restaurant nila dito.

Malimit lang ang makikita mong tao dito. Kadalasan mga kilala at kaibigan lang ng Pamilya nila Luhan ang nakakapasok. Basta pag may permiso, Pero ngayon mediyo marami rami yata ang bisita nila.

Pagkatapos kong asikasohin si Peppa pumunta ako sa kwarto nila Fe.
"Gusto mo ng tulong" pagaaya ko kay Fe nang makitang sobrang busy siya sa pagaayos ng gamit niya at saka kila MD.
"Wag na magpahinga ka na o kumain kana don kaya ko to" sagot niya sakin at saka niyakap ko naman siya sa likuran habang nagaayos ng bed sheets.

"Owshii" ani ni Shiela pagkakita samin at inilingan lang siya ni Fe saka nagpatuloy sa ginagawa. Humiwalay naman ako sa yakap kay Fe. Naiilang na pumasok naman si Shiela at nag offer na tulungan si Fe sa pagaayos.

"Happy birthday nga pala Riss" nakangiting bati ni Shiela na ginantihan ko.
"Asan regalo ko?" pangaasar ko at nakita ko naman siyang napailing at natawa. Bat ang hilig niya tumawa?

"Eto oh" sabi niya sakin sabay abot ng box.
"Law suit dinesign ko mismo" nakangiting ani niya at nauna namang nagpasalamat si Fe na akala mo siya ang binigyan HAHA.
"Salamat, puwede nato gamitin sa kasal ni Luhan ang suit ah" pangaasar ko sa kaniya na ikinangisi niya ng hilaw.

"Kelan daw ba?"
"Wala pang fixed date, Fixed lang kasi at yung bride need pa ding e fixed" pangdadaldal ko sa kaniya at nakita ko namang saglit siyang naguluhan pero nagpatuloy nalang. Si Fe naman nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

Sa lunch kumain lang kami at nagkuwentuhan ng kung ano ano saka pinagblow nila ako ng cake.
"Ang nice ng design ah" nakangiting puna ko.

Nakasimangot na tinignan naman ni Fe si Lance na siyang nagpagawa ng cake.
Ang design ng cake ko ay si Peppa pig seriously? Tsk.
"Joke lang oh itong isang cake" agad na bawi ni Lance saka nilabas ang anak ng-

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon