CHAPTER 9

80 49 0
                                    

'Bread stix'

"Yumms nagbibiro ka diba?" tanong ko sa kaniya habang pinunasan ang mukha ng tissue.
"Sa ngayon kasi. Uunahin muna namin pangarap namin" paliwanag niya saka pinaikotan kami ng mata. Ahh psh.

Pagkatapos nang usapan namin nanood lang kami ng sine gusto ko sanang horror kaso mga duwag pala mga kasama ko kaya nauwi kami sa korny na romance. Pagupo namin dun ilang minuto ang nakalipas nakatulog ako. Paggising ko kaming apat na pala ang tulog. Nag sine lang kami para matulog oo.

"Hoy gising na patapos na ang movie" pangigising ko sa kanila at salamat naman at nagising sila akala ko kailangan ko pang kumuha ng tubig pambuhos eh.

Pagkatapos namin sa sine napagdesisyunan naming umuwi na kasi alas kwatro na pala at babiyahe pa sila Drie.

Papara na naman kami ng Jeep at this time buti naman at maluwag na hanggang sa nakauwi na kami sa bahay namin.

Nagpaalam na silang tatlo at nagkaniya kaniyang uwi sa mga tutuluyan.

Hanggang dumating ulit ang Monday at this time hindi na ako na late.
"Good morning class" saad ng teacher namin sa Philosophical Anthropology. Hindi ko alam bakit wala ako sa mood ngayon. All throughout the discussion nakatulala lang ako sa board.

"Arellano and Velleza" nagulat ako nang natawag apelyido namin ni Riss.
"Kayo ang mag Rereport pagka Wednesday at mag o-observe ang dean" sabi niya samin at aalma na sana ako ng lumabas na sya sa room namin.

Nagtagpo ang mga mata namin kaya mabilis akong lumabas sa room at pupunta sana sa Library nang sumunod pala sya sakin.

"Hey Fe iniiwasan mo ba ako?" Nakakunot na nuong pigil nya sa lakad ko.
"Hindi" seryosong sagot ko sa kaniya at hinawi sya sa dadaanan ko at naglakad ulit.

"Really? Pati text, calls ko iniiwasan mo may nagawa ba ako?" Naguguluhang ani niya sakin.
"Wala nga kaya tabi" naiinis na ani ko.

Mabilis niya naman akong pinigilan ulit.
"Tell me please.... Two weeks mo na tong ginagawa may ginawa ba ako?" mahinang pagtatanong niya. Hindi ko siya pinansin at tuluyang umalis don.

Nang may bandang alas kwatro tapos na lahat ng klase ko pupunta na sana ako sa part time ko.

Mabilis na aalis na sana ako nang makita kong hinarangan ako ulit ni Riss but this time wala nang emosyon ang mukha niya.
"Uumpisahan na natin ang reporting" saad niya sakin.
"Puwedeng bukas lunch nalang may gagawin pa ako" paiwas na tingin na sagot ko sa kaniya.

"Kailangan nating maumpisahan to kasi mahaba yong topic" walang emosyon na giit niya sakin.
"Hindi puwede may part time ako" amin ko sa kanya.

"Anong part time?" Curious na tanong niya sakin.
"Basta sa RC kettle's Breu diyan hanggang alas otso shift ko" saad ko sa kanya.

Aastang aalis ako nang nagsalita siya.
"Don nalang tayo gumawa" suhestiyon niya. Dahil nakita kong desidido siya tinanguan ko nalang saka inunahan siyang maglakad paalis.

"Diyan ka na lang sa table na yan oh para malapit lang sakin" sabi ko sa kaniya habang inaayos ang apron ko. Until I realized na parang may mali sa sinabi ko.

Nilingon ko sya at nakita ko syang nagpipigil ng ngiti at nong nakitang nakatingin na ako mabilis niyang binalik ang walang emosyon niya na mukha.

"I m-ean para matulungan kita ng maayos sa gagawing reporting" nauutal na giit ko sa kanya at mabilis na umalis don. Randam ko naman ang pagiinit ng mga pisngi ko.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon