CHAPTER 6

81 53 5
                                    

'Dexter'

Pagkatapos kong sabihin yon nakita ko namang namula sya ng hard at ilang beses na tumikhim at nagiwas ng tingin sakin.

"Mary" natatawang dagdag ko habang kunwaring kinakausap ang aso.
"Kumain kana baby ha mamahalin pa kita" natatawang pakikipagusap ko kay Mary at lumingon naman si Riss na wala nang emosyon ang mukha habang ako pinipigilan pa rin ang tawa.

"Ang pangit ng landing" walang emosyon na sabi nya.
"Nang alin hmm?" Pangaasar na sagot ko
"Ng joke mo tsh kumain na yan si Mary ako na lang ang hindi" panguso pang sabi nya kulang nalang magdabog.

"Hala kumain kana baby very good hmm" sabi ko kay Mary habang kinikiskis nya balahibo nya sa mukha ko. Hmm ang bango.

"Pano kung itakas kita sa daddy mo? Kay mommy ka nalang " pakikipagusap ko pa din sa aso. Paglingon ko kay Riss nakita ko syang namula na naman. Eh? Ang hilig yata nitong mamula psh sobrang puti kasi Kunting kurot lang yata dito mamumula na agad.

"Hoy stickman kumain ka ha bilis sasamahan kita pero ikaw na maghanap ng restaurant na magpapatuloy ng aso" naiinis kunwaring sabi ko sa kanya at bumuntong hininga lang sya at bumulong pero rinig ko naman.

"Grabeh ang sweet hayys" Lumabas na kami don at naghanap ng restaurant at ayun yung katabi nitong Starbucks may Dog House restaurant na puwedeng mag order ng pagkain para sa aso at sa nagaalaga.

Umupo na kami don sa napili niyang seat at mag oorder na sana siya ng pigilan ko siya.
"Yung pagkain ba nila dito is normal naman no" kinakabahan na sabi ko sa kanya.
"What do you mean?" Nakakunot na nuong tanong nya sakin kaya mas lumapit ako sa tenga nya at bumulong.
"Hindi naman siguro literal na aso ang kakainin natin no?" Kinakabahan na sabi ko.

Nagulat nalang ako ng tumawa sya ng Malakas mga 2 minutes yata syang tumawa don habang lahat ng customers don tumingin na sa kanya at nahawa sa tawa nya may iba pa ngang nag pipicture sa kanya e psh sirain ko kaya camera nila.

"Ano ngang sabi mo pft" natatawa pa ding ani nya sakin at kinunotan ko lang sya ng nuo.
"Ano ba seryuso ako no alam kong nakakain ang aso pero ayaw ko nga kung ikaw nga imaginin mo kinakain mo tong aso mo na inalagaan mo ng 5 years" mahabang paliwanag ko sa kanya habang niyayakap ng mahigpit si Mary.

"Oo actually ang offer nila dito ay yung steak nila na aso ang karneng gamit" seryosong sagot nya habang kinakagat ang pangibabang labi at nataranta naman ako sa sinabi nya.

"Kaya oorder muna ako ha" Tumayo na sya pero hinawakan ko kamay nya
"Seryoso ka?" Seryosong tanong ko habang siya ganon pa din ang reaksyon.
"Oo ano ba Fe masarap naman servings nila dito kaya chill" dagdag nya pa tatayo na sana sya ulit ng hilain ko hoddie nya.

"Hoy gago ayoko kumain ng aso at tsaka anong aso bawal yan ah puwede natin yang ireport-" ani ko pero pinutol nya ang sasabihin ko ng pisil sa pisngi ko sabay tawa.

Bat ang sexy ng tawa nya letche? Mabilis kong hinawi ang kamay niya sa pisngi ko at umatras nalang ako bigla sa upuan ko
"Ang cute mo" Mahinang sabi niya pero rinig ko pa rin.

"Of course hindi aso ang Meat nila dito at dog food naman ang pinapakain nila kay Mary at hindi kapwa aso" nakangising paliwanag nya. Literal na nakahinga ako ng maluwag don kasi aba malay ko ba nakakaloka ang name ng restaurant.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya peste ngayon naman naiilang na ako sa kaniya kaya hindi nalang ako nagsalita.
"Order muna ako" tinangoan ko lang siya.

Pagkatapos nyang umorder bumalik sya sa table namin at kinuha si Mary at nilalaro. Tumitig lang ako sa kanya habang nilalaro niya ito psh sa itsura niyang to? Di ko mahanap ang dahilan kung bakit nagkagusto siya sakin.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon