CHAPTER 17

64 38 0
                                    

'Engage'

Dalawang araw akong nag stay sa bahay at inayos ang gusot ko. Masasabi ko namang naayos ko. Ang tanging prinoproblema ko nalang ngayon ay ang gusto ni Lola na sasamahan namin si Tita sa America.

Hanggang ngayon hindi ko pa din pinower on ang phone ko para hindi ako maiisturbo sa pagiisip. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang sumapit ang gabi.

"Fe magdidinner na" tawag sakin ng kuya ko.
"Andiyan na" pagmamadali na ani ko saka bumaba sa kama ko sa kwarto ko dito.
Sa hapag napagusapan nila ang pag transfer namin ng mga files sa school.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapagdecide anong susundin. Nahihirapan akong...akong magpaalam or hindi ko talaga alam anong gagawin ko.

"Ang lalim yata ng buntong hininga mo" puna sakin ni lola kaya mabilis akong napatingin sa kanya at inilingan nya lang ako.

"Bukas babalik ka kay Lea" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. So puwedeng hindi ako sumama? Nagliwanag naman agad ang mukha ko sa ideyang yon.

"Para kuhanin yung files mo don sa San Beda at gamit sa bahay niya. Pagkatapos bumalik ka dito at sabay sabay kayong pupunta sa States" bigla namang nawala ang liwanag sa mukha ko... Akala ko.
"Ready na ang plane tickets niyo, Pinagiponan ko pa yon kaya wag niyong sayangin" panguyang ani niya sakin at agad naman akong napatahimik.

Kinabukasan, tinawagan ko si Tita nang nasa airport na ako para sabihin sa kaniya ang plano ni Lola at ani niya sakin siya na daw bahala sa mga papeles ko sa school.

Masyado akong nabibilisan sa mga pangyayare at tulala lang ako sa kinauupuan ko sa eroplano. Hindi malaman ang gagawin. Hindi malaman anong ipapaliwanag ko sa kaniya, sa kanila.

Nang nakaabot na ako sa Bahay dito ni tita mabilis akong niyakap ni James at nagusap ng masinsinan.
Pagkatapos naming magusap nila Tita tinignan ko muna relo ko at nakitang alas kwatro na pala saka ko tinext si Riss na kitain ako sa Park na tinambayan namin noon.

Pagkarating ko dona agad akong umupo sa swing at tinignan ang phone ko. Nakitang walang reply don at saka napabuntong hininga.

100 missed calls galing kay stickman
30 missed calls galing kay MD
40 missed calls galing kay Shiela
20 kay James at 10 kay Dexter.

Pagbasa ko sa call history nang mga panahong umuwi ako sa probinsya napabuntong hininga nalang ako. Binulsa ang phone ko sa jacket at saka sumandal sa swing at saka tulala lang sa araw.

The best thing about this place is everything here is a mess except this swing. But the view... it somewhat gives me hope, the sunset...it serves as my reminder and limitations that everything might ends beautiful.

Isang oras na akong nandito sa swing nakaupo pero wala pa ding Rissle na dumating. Dadating pa ba yon? Hindi ko alam pero may parte sakin na sana di sya dumating kasi natatakot ako na... Parang ayaw ko nalang magpaalam sa kaniya. Namasa naman ang mata ko pero ayaw lumuha. Napagod na din yata.

Tulala pa din ako dito habang pinapanood ang malapit na paglubog ng araw. Hanggang sa may narinig akong tunog ng motor kaya napalingon ako. Alam kong hindi nagmomotor si Riss pero bat sya yong inaasahan kong makita.

Sa sobrang pagod ko hindi na ako nagulat nang makita ko si Dexter na nagaalala na papalapit sakin. Saka niya ako pinatayo at niyakap ng mahigpit na mahigpit na halos hindi na ako makahinga.

Wala naman akong nabigay na reaksyon sa kanya. Parang pagod na pagod na yata ang katawan ko para magprotesta sa higpit na yakap niya.

"Alam ko na, sinabi sakin ni James" tanging na ani niya sakin at napalingon naman ako nang konti sa kanya habang yakap yakap pa din ako.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon