'You care'
Napakagat ako ng mariin sa mga labi ko. Nagkasugat sugat na siguro to mapigilan lang ang nagbabadyang iyak.
Habang unti unti akong nakalayo sa kanila hindi ko alam bat parang puno ng asido ang dibdib ko. Wala na akong makita sa dadaanan dahil sa ulan.
'The rain was always my favorite because it helps me a lot when I am too broken and numb to cry so the sky did it for me'
Parang tangang tingin ko pa sa ulap kahit umuulan sabay lahad ng kamay na parang sinasalo lahat ng iyak nito.
Nang may tumigil na taxi sa harap ko. Mabilis kong hinawi ang buhok ko sa mukha.
"Maam San po kayo wala po ba kayong payong?" Tanong ng driver at mabilis naman akong pumasok sa loob kahit basa at sinabi sa kanya ang address ng bahay nila tita.Habang nagdadrive si Manong sinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana ng taxi at pinanood ang pagbuhos ng ulan. Nagulat nalang din ako nang sinabayan ng luha ko ang pagbuhos ng ulan.
Wala akong mahanap na dahilan para maramdaman pa to. Napapikit ako sa inis.
Kinagat ko ulit ng mariin ang mga labi ko. Makaramdam lang ng sakit. Ayoko na sa pakiramdam na parang manhid.Gusto kong mangkuwestiyon, Gusto kong umiyak ng malakas, Gusto kong magkwento kung gano kasakit ang nararamdaman ko, Gusto kong sumigaw kasi Bakit? Bakit kailangan ko pang maramdaman to?
'Ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal?'
Is that it? Kaya ba ako nagkakaganito kasi mahal ko pa? Mahal ko pa? Putangina bakit? Paulit ulit na bakit ang natanong ko sa sarili hanggang sa huminto ang taxi kaya mabilis akong nagbayad at pumasok na sa loob.
"Nako po Ms. Fe basang basa po kayo maligo na muna kayo" pagaalala ni Ate Telly pero matamlay na nilagpasan ko lang siya at nagbanyo na para magayos pang tulog.
Pagkatapos kung maligo parang pagod na pagod ang katawan kong umupo sa kama at tinanaw ang mga bituin sa bintana ko. Tumila na pala ang ulan kanina pa kaya may mga bituin na.
'Sobrang sakit pala Pa, yung harap harapan na ganon nakakaduwag pala yong wala kang laban. Palagi kong iniisip na malakas at matapang ako pero hindi pala... takot lang pala akong maging mahina'
Nasasaktang ani ko sa isip ko habang kinakausap kunwari si Papa sa isa sa mga makikinang na bituin. Mabilis kong kinuha yung guitar ko na niregalo sakin ng Lola ko noon at sinimulan yung patugtugin.
'Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa'Pagtugtog ko sa gitara habang kumakanta ng nakapikit at naalala ko na naman kung pano sila naghalikan sa ilalim ng payong sa gitna ng ulan.
'Romantic'
'Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw'Naalala ko kung pano natapon ang Bread Stix na hawak ko kanina dahil pati kamay ko nanghihina sa lamig at nabitawan yon.
'Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?'Patapos ko sa kanta hanggang sa nakaidlip ako yakap ang gitara at may luha sa mata.
Kinabukasan para akong dinaganan ng isang malaking truck sa sobrang sakit ng katawan at ulo ko pero sinubukan ko paring bumangon at maligo kasi may presentation pa ako ngayong umaga.
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomanceYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...