CHAPTER 27

64 31 21
                                    

'Forgiveness'

"Ano nangyare?" nagaalalang pagtatanong ko kay Luhan habang tinutulungan siyang alalayan si Riss.

"Nagwawala siya sa kulungan kanina Fe" sagot niya sakin. Agad na kumunot naman ang nuo ko.
"Lasing siyang pumunta don saka tinawagan akong may papatayin daw kami sa kulungan" naiinis na sabi niya sakin.

Pagkatapos nang paguusap namin mabilis ko siyang pinasalamatan saka siya umalis kasi may duty pa.
"Misis ko" bulong ni Riss habang pinupunasan ko siya sa katawan at ginagamot ang sugat niya.

"Bat ka pa kasi pumunta don ha" naiinis na sabi ko sa kaniya. Nanatili siyang nakapikit.
"Tanga ka ba hindi mona mbabalik yon kasi nangyare na. Kahit patayin mo pa yon sila" naiinis na dagdag ko saka ingat na ingat na ginamot ang sugat niya.

"Nag aksaya kalang ng dugo tingnan mo. Ikaw pa ang napuruhan abnormal ka" Papadyak padyak pang sabi ko dito.
"Fe" dinig kong bulong niya.

"Peste ka" mura ko sa kaniya saka siya hinalikan sa noo at kinumotan.
Saka ako nagluto ng pagkain para sa paggising niya.

Pagkatapos kong magluto. Hinintay ko siyang magising kaya ngayon nagbabasa ako ng libro dito sa tabi niya tungkol sa pagtatayo ng investment company.

Nang nagising na siya, mabilis akong bumangon sa sinasandalan at chineck kung ayos lang siya.
"Nahihilo ka ba?" agad na pagtatanong ko sa kaniya.

Nakakatakang nagiwas lang siya ng tingin sakin saka tumango. Kumunot naman ang nuo ko. Galit ba siya? Oo nga pala hindi pala kami okay.

Dalawang linggo ang lumipas at ganon pa din ang trato namin sa isat isa. Pupunta siya sa Firm ng wala kaming imikan. Lulutuan ko siya ng pagkain sa umagahan, minsan siya ang gumagawa. Sa hapon wala akong magawa kundi alagaan si peppa na dinala niya dito sa condo. At namili ng mga furnitures para sa bahay.

Naisipan kong puntahan si Riss sa opisina niya. I just want to give him these details para sa interiors sa bahay na pinapagawa pa.

Naabotan ko siyang kausap ang babaeng nakasagutan ko nuon. Walang emosyon ko silang naabutan na nakahawak sa braso ni Riss ang babae.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mabilis na lumayo si Riss sa hawak ng babae bago niya pa ako makita.

Saglit na dumaan ang takot sa mata niya pagkakita sakin bago siya magiwas ng tingin.

Lumapat naman ang tingin ko sa babaeng walang emosyon na ngayon ang mukha habang nakatingin sakin.

"Fe, you're here" tikhim na sabi ni Riss saka bumalik sa swivel chair niya.
"You may go" ani niya sa babae.

Hindi ko pa din inaalis ang tingin sa babae hanggang sa makaalis ito. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang inis na naramdaman ko.

"Ano yon?" Nakatiim bagang na tanong ko sa kaniya.
"Thats just nothing" di pa rin makatingin na sagot niya sakin.

'Nothing' pinaikot ko nalang ang mata ko saka inis na umupo sa upuan sa harap ng table niya.

Nang maramdaman niya yatang naiinis ako nagtanong siya.
"Nagseselos kaba?" Napasinghal naman ako.

"She's flirting with you and I'm not jealous" mariin na sagot ko sa kaniya.
"Ganon ba?" Nakatutok sa laptop na pagtatanong niya sakin.

"Saka ko na siya pagseselosan pag mas maganda na siya sakin" inis na sagot ko sa kaniya.

I slightly saw amusement on his eyes nung tiningnan ko siya.
"Okay" maikling sagot niya saka mabilis na bumalik sa ginagawa.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon