CHAPTER 22

55 30 0
                                    

'Blessings'

"M-isis ko, I'm sorry" tanging naani ko at narinig ko naman ang buntong hininga niya saka niya sinarado ang laptop at binaba ang glasses na suot.

Saka siya lumapit sakin para bigyan ako ng yakap na mahigpit.
"I'm glad you're okay" dinig kong bulong niya. Niyakap ko naman siya ng mahigpit saka hinalikan sa buhok.
"I love you" bulong ko sa kaniya at ginantihan niya naman yon.

"Tara lunch" aya niya sakin kaya napangiti nalang ako at sinangayonan siya.
"Mag reresign daw si MD, Have you heard" sabi ko kay Fe habang kumakain kami.
"Hindi, Bakit daw ba?" Nakakunot nuong tanong niya.

"Gusto niyang maging direktor" sabi ko at inaasahan kong magugulat siya pero napatango tango lang siya.
"Ahh, I'm glad na finally tinutupad na niya ang pangarap niya" nakangiting sabi niya sakin.

"Well, 3 yrs na lang naman kelanganin niya para sa Film making" pagkibit balikat na sabi ko saka kumain.
"Isa din ba sa dahilan si Dexter?, I heard mag aartista ang gago" nakangiting pagkakasabi niya.

Napatigil naman ako sa pagkain at nakakunot nuo siyang tinignan.
"What do you mean?" Pagtatanong ko sa kaniya.
"Sabi niya sakin magaartista siya e" casual na sabi niya.

"Nagkausap kayo" its not a question, its a statement.
"Oo, Inayos na namin yung gusot namin" diritsong sabi niya sakin. Tinangoan ko nalang siya at pilit inintindi yon.

I received a call pagbalik ko sa Office.
"Background clear po sa secretary niyo" nakahinga naman ako ng maluwag pagka receive ko sa update sa pagbabackground check ko kay Kriz.

Pagkatapos ng call nakangiti kong tinawagan ang kaibigan kong si Jessy.
"Hey Riss" bungad niya sakin.
"Kailan ba yan mareready?" Malawak na ngiting tanong ko.

"Later,wag masyadong excited" pangaasar niya sakin at nadinig ko pa ang mahinang tawa niya sa kabilang linya.
"Thank you, you're the best" patapos na sabi ko sakaniya.

Nakangiti naman akong sumandal sa swivel chair ko at inalala si Fe. Gusto ko sanang manuod sa Trial niya ngayon pero may importanteng kakausapin ako.

'Sigurista'

Naalala kong sabi ni Lyssa sakin nung nasa Baguio ako. Isa din to sa pinagkaabalahan ko sa 2 weeks. Napangisi nalang ako sa gagawin kong plano. Ready na ang Venue, lahat except sa blessings.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako sa gusto kong mangyari. Hindi ko pa kinunsulta si Fe about dito. Ang totoo natatakot din ako, baka iwan niya ako ulit. Natatakot din ako sa kayang gawin ng mga sindikatong yon.

Nang sumapit ang alas tres. Nagmadali akong pumunta sa Marikina. Pagdating ko sa bagong bahay nila Fe dito. Huminga muna ako ng malalim.

Pag doorbell ko agad na binuksan ako ng kuya ni Fe. Napalunok nalang ako sa kaseryosohan niya. Saka niya ako
Iginiya papasok sa bahay. Walang imikan.

Pagpasok ko naabutan kong nakaupo lahat sila sa Sofa ng Sala. Nandito din ang Lola at Lolo niya. Kumpleto silang lahat dahil 1 week ago sinabi kong mag popropose ako kay Fe. Nagmano ako sa kanila.

"Kuya Riss" bati sakin ng bunsong kapatid niya. Kilala niya na ako dahil nga sa minsang pagbisita ko sa kanila nong umalis siya.
"Jem" nakangiting bati ko sa kaniya.

"Mag popropose ka sa pinsan ko?" Nanlalaking matang tanong sakin ng babaeng pinsan niya. Trisha yata ang pangalan.

"Ano kaba paupuin mo muna" suway ng Mama ni Fe saka ngumiti sakin at pinaupo ako sa sofang kaharap nila.
"Papakasalan mona ang apo ko?" Pagtatanong sakin ng Lola niya habang sinusuri ako ng mabuti.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon