CHAPTER 19

57 35 0
                                    

'Im hurt'

"Just leave" sinubukan kong wag mautal. Hinawi ko ang kamay niya sa neck tie ko para mapabitaw siya.

Ramdam ko na naman ang namumuong inis sa kaniya tsh. Napangisi ulit ako sa isiping yon.

"Im engage" dagdag ko pa sa kaniya at ngayon di na niya na naitago sakin ang inis na inis na mukha niya at parang bubuga na ng mga apoy ang mga mata niya.

"Stop it, Naiinis na ako" halata mo naman talagang naiinis na siya saka siya padabog na umupo sa sofa ko at saka kinalma ang sarili.

I kinda love this new version of her hmm. Nakakatuwa siyang inisin. Dati na naman siyang naiinis pero nuon magagawa niya pang umaktong kalmado. But now she's acting like a spoiled brat.

"Riss, Its almost lunch. Have you eaten?" patiling ani ni Eliza habang papasok sa office ko, yong anak ng ninong ko na kasusyo namin sa Firm.

Napatigil siya sa paglapit sakin para yakapin ako nang makitang may kasama ako.

Tinignan ko naman si Fe at ngayon makikita mo ang pinakamalamig na ekspresyon niya na binaling niya kay Eliza.
"Oh Hi" naiilang na ani ni Eliza sa kaniya at saka nakangiwing tinangoan lang yon ni Fe saka humalukipkip.

"Do you have a problem with me?" pagtatanong ni Eliza sa kaniya. Naiinis na nilipat ko ang tingin sa kaniya.

"None" agarang sagot ko, mainit pa naman ang ulo ni Fe baka ano pang masabi.
"Oh maybe I do really have" ani ni Fe saka pinaglaruan ang kuko niya. Tss iniinis niya ba ito.

"And why?" Pa head to foot na sabi ni Eliza sa kanya. Agad akong kinabahan nang umayos ng upo si Fe at saka malamig na ngumisi.
"For starters, I find you clingy and annoying"

Nanlaki naman ang mata namin hindi inaasahan ang sobrang kaprangkahan niya. Matagal bago nakabawi si Eliza.

"Oh sorry, Hindi lang kasi ako boring na tao-" Naputol ang sasabihin niya ng nagsalita si Fe.

"Are you saying that I'm boring?" nakita kong gumalaw ang panga niya sa umaapaw na inis. I look at her amused and awe. Damn she's hot. Nababaliw na naman ako Tsh.

"Please leave, may paguusapan kami" sabi ko at sabay naman silang tumingin sakin. Nakita kong tumaas ang kilay ni Fe at saka sinamaan ako ng tingin.

"May importanteng paguusapan kami" sabi ko sabay tingin kay Fe. She totally lost her patience kaya pasinghal siyang tumayo at saka mayabang na lumakad at padabog na sinara ang pinto.

Ganyan nga misis ko maghabol ka. Naguumapaw ang saya sa puso ko sa tagpo naming yon tsk kung alam niya lang.

Pagkalabas ko hindi ko inaasahang naghintay siya sa lobby. Lalapitan kona sana siya nang nakita kong bumaling siya sa right side. Napatingin naman ako don at nakita kong nandon si MD nakikipagchismisan.

"Adultery? Hindi lang dapat yan Adultery, Plagiarism din dapat. Tss Dapat kasi bago kayo makipaghalikan sa pagmamayari ng iba lagyan niyo muna ng Credits to the owner" malakas na parinig ni MD. Anong plagiarism? Bakit ko nga ba ulit pinasok to sa Firm ko?

"Plagiarism sa documents lang yan inaaply hindi sa tao gaga" dinig kong saad ng kasamahan niya sa kanya at inis naman siyang napaikot sa mata niya.
"May maparinig lang tss Bat ba" at nagtawanan naman sila.

Nakita ko namang napatungo si Fe at bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kaniya. Nang inangat niya ang tingin niya mabilis siyang tumayo at ngumiti na parang walang nangyari.

"Tara samahan moko mag lunch" matamlay na aya niya sakin at nagiging marupok na yata ako sa mga malulungkot niyang mata. Gusto kong omoo ng diritso.
Gusto kong maging marupok nalang at tanggapin siya ulit at wag nang pakawalan. But you have to learn misis ko.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon