'Artista'
"Magiingat ka, wag mo kaming kakalimutan ha" bulong sakin ni nanay habang nakayakap ako sa kaniya at naghihintay na sa labas si Riss.
"Bibisita po ako Nay. Masusunod po ang plano" malumanay na sabi ko sa kaniya.
"Wag mo na lang kaya-" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang nagsalita si Kenzo sa likod ko."Maging masaya ka" seryosong sabi niya at saka siya niyakap ng mahigpit.
"Maraming salamat Kenzo, sobra" bulong ko sa kaniya."Magiingat ka pa rin at...puwedeng wag ka munang magpakita sakin kung maaari" Natigilan ako sa kinatatayuan. Tulala pa rin ako hanggang sa humiwalay siya sa isang mahigpit na yakap.
Gusto kong magtanong ng bakit. Pero halata naman sa mukha niya na ayaw niyang sabihin. Matagal bago ako makabawi.
"Kenzo" suway ni nanay na nadinig ang sinabi niya.
"Pasensya Nay" malungkot na sabi niya saka tumalikod papalayo."Pagpasensyahan mo na si Kenzo nak" nagpapasensyang ani ni Nanay sakin. Lumipat naman sa kaniya ang tingin ko.
"Pasensya din nay, Salamat din sa lahat" madamdaming sabi ko sa kaniya."Kami nga dapat magpasalamat sayo, Sa lahat ng ginawa mo samin" sagot niya sakin. Nagiwas nalang ako ng tingin at iniba ang usapan.
"May nagawa po ba akong mali kay Kenzo Nay?" Pagiiba ko sa usapan. Naguguluhan din ako sa inasta niya. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.
"Makakahanap pa siya ng ibang yayakaping dilim" matalinghaga na sabi niya. Kumunot naman ang nuo ko.
"Nay di ko po kayo maintindihan" nagugulohang sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at tinapik ang balikat ko saka tinuro si Riss na naksandal sa kotse sa harap ng bahay.
"Naghihintay na ang araw mo nak" nakangiting sabi niya. Bat ba ang talinghaga nila magsalita?
"Yung totoo Nay anak po ba kayo ni Francisco Baltazar?" Tinawanan niya lang ako saka ako giniya kay Riss dala ang konting gamit.Tahimik lang ang biyahe namin. Hindi ko maiwasang isipin ang kahihinatnan ko pagbalik don. Hindi din mawala sa isip ko ang inakto at sinabi ni Kenzo kanina.
"Naghihintay na ang Pamilya mo na pamilya ko na rin sa bahay niyo" Nakangiting pangdadaldal niya sakin. Nakatingin lang ako sa bintana. Walang imik.
"Yung pinapagawa kong bahay, hindi pa tapos ang interiors kaya sa Condo ko muna tayo" pangdadaldal niya pero lumilipad parin ang isip ko sa maraming bagay.
Pinaglaruan ko na lang ang kamay ko.
"Uhm may problema ba? Malalim yata ang iniisip mo?" Nagiingat na sabi niya sakin. Tulala pa rin ako sa bintana."Fe" pagtawag niya sakin. Bahagya ko lang siyang nilingon.
"Ano?" Mahinang sagot ko.
"May iniisip ka?" Tanong niya sakin.
"Si Kenzo" wala sa sariling sagot ko.Natahimik naman siya sa sinagot ko. Tinignan ko lang siya sa gilid ng mata ko at walang ganang sinandal ang katawan sa upuan at saka umidlip.
Agad akong sinalubong ng mga iyak pagdating ko sa bahay.
"Ate"
"Ate"
"Fe" naiiyak na ani nila. Naiilang na niyakap ko nalang silang lahat.Hindi ko alam pano naging maayos ang daloy ng pangyayare. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Oo nga pala Kailan ko ba naintindihan sarili ko?
Buti napapayag ni Riss ang pamilya ko na sa kaniya na ako sasama. Well kasal daw kami eh. Ngayon naman paakyat na kami sa condo niya.
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomanceYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...