'Spin the bottle'
Habang nagdadrive ako may biglang bumusina sa likod ko. Pagtingin ko sa side mirror napailing nalang ako nang makita ko ang motor ni Dex na nakasunod sakin kaya binilisan ko na lang ang pagdrive.
Mabilis kong pinaharurot ang motor ko habang tingin pa din ng tingin sa side mirror habang natatawa. Nung nakaabot na ako sa residence namin bigla akong tumigil malapit lang sa gate. Tapos kasunod na tumigil sa tabi ko si Dex.
Mabilis nyang hinubad helmet nya at yong sakin hinubad ko din.
"Grabe ang bilis mong mag drive san mo natutunan yon" mediyo hingal na sabi niya na akala mo tumakbo ng ilang kilometro."Sus weak ka lang" natatawang yabang ko
"Oii racing tayo sa susunod" mayabang na sabi niya sakin.
"Sge ba pero umalis ka na nga kanina kapa sunod ng sunod sakin. Ayaw humiwalay?" Pangaasar ko sa kanya."Uuwi na kasi din ako at yong bahay namin madadaanan lang dito sa street nato" mahabang paliwanag nya psh.
"Btw Sguradong gusto kang makita ni Mama pag nalaman niya pero una muna ako bye ingat love you!" nangaasar na ani nya sa huli siraulo talaga to napailing nalang ako.
Magdadrive na sana ako papasok ng gate nang makita ko si Riss na nakasandal sa kotse nya sa mismong tapat ng gate namin habang hindi ko mabasa emosyon sa mukha nya. Napakurap kurap akong tinitigan siya.
"A-nong ginagawa mo dito?" habang tinitimbang ang emosyon sa mukha nya. Matagal bago sya sumagot kaya napalunok nalang ako habang hindi na malabanan titig niya.
"Nakatayo" pilosopong sagot niya tsaka kumunot naman bigla ang nuo ko.
"I mean bakit ka nandito may kailangan ka?" tanong ko pa.
"Ikaw" lumakas naman ang kabog ng dibdib ko. Napatameme ako at di ko alam sasabihin ko. Narinig ko syang bumuntong hininga."Nang nakauwi na kasi kami ni Mary ilang beses kitang tinawagan para masiguradong nakauwi ka ng maayos pero walang sumagot kaya akala ko napano ka" mahabang paliwanag nya.
"Kaya dumiritso na ako dito kasi nagalala ako" dagdag nya pero natameme lang ako."Ang tanga ko lang kasi di ko naisip na busy ka pala" mapaklang sabi nya pa habang di pa rin mabasa emosyon sa mukha. Di ko alam anong sasabihin ko o gagawin man lang pero isang sigurado. KINAKABAHAN AKO!
Hanggang ngayon di parin ako makapagsalita. Tinitigan niya muna kabuoan ko at nang masiguradong ayos lang ako nagpaalam siya.
"Sge una na ako sorry sa abala" mapaklang sabi niya saka umalis.Matagal muna akong natulala sa labas tsaka ko naisipang pumasok dala ang motor ko at yung box. Pagkatapos kong ayusin ang mga dinala ko dumiritso na ako sa kwarto ni James at chineck kung okay siya.
"Oii okay kalang?" matamlay na tanong ko sa kaniya nang makita syang nag cecellphone sa kama niya.
"Oo okay na nasobraan lang sa pagkain" sagot niya sakin."Ahh ganon ba" ani ko at wala pa din ako sa sarili kasi pumapasok sa isip ko yung mukha ni Riss kanina. Bat ba ako naguguilty at bakit nya pa kasi ginagawa lahat ng to? Para san pa?
"Eh ikaw okay kalang ba? Nagkausap kayo ni Riss? Isang oras yun naghintay at nakatayo lang sa labas" sumbong niya sakin.
"Bat hindi mo pinapasok?" mediyo galit na ani ko sa kanya.
"Pinapasok ko nga kaso sabi niya diyan lang daw siya sa labas para madali ka niyang makita paguwi at pag di ka pa daw nakauwi nang 4:30 lilibutin nya buong Muntinlupa mahanap ka lang" mahabang paliwanag nya sakin at mas lalo naman akong naguilty."Eh bat di ka ba sumasagot sa tawag?" Nagtatakang ani niya sakin. Nagiwas ako ng tingin.
"Nakita ko si Dexter naalala mo yung kalaro natin nuon every summer na naging bestfriend ko?"sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomanceYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...