'Daile'
"Good Morning misis ko" bulong ko sa kaniya nang nauna akong magising kinaumagahan. Hinalikan ko naman siya sa labi pero inis siyang tumalikod at pumikit.
Nakangiti nalang akong bumangon saka sinubukang magluto ng umagahan namin. Nag offer ang secretary ko na siya nalang magluto kasi sumabay kahapon kay Ninong yong cook. Tinanggihan ko naman yon at sinabing ako na.
Naabutan ako ni Fe sa Mini kitchen sa Yacht na nakikipaglaban sa mantika. Nahihiya ko namang tinabi ang sunog na hotdogs and ham. Bumaba ang tingin nya sa tinabi ko saka napasapo nalang sa noo.
"Tabi, ako na" masungit na sabi niya saka mediyo nahihirapang maglakad at kumuha ng panibagong Lulutuin. Napanguso naman akong niyakap siya sa likuran.
"Sorry na, Alam mo namang kagwapohan lang ambag ko sa mundo e" malambing na sabi ko sa kaniya.
"Ang hangin hangin mo may balak ka bang lamangan ako" sabi niya saka kinurot ang pisngi ko. Saka niya tinutukan ang pagluluto."Masakit paba?" Malambing na pagtatanong ko sa kaniya habang nakayakap sa likod.
Siniko niya naman ako ng mahina.
"Tanga malamang, umalis ka nga diyan nakakainis ka" masungit na sabi niya.
"Naglilihi ka agad?" Gulat kunwaring tanong ko sa kaniya at sinamaan naman niya ako ng tingin."Isang salita mo pa talaga itatapon kita sa dagat" sabi niya sakin.
"Oo na titigil na pero yung totoo misis ko masakit-" Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng binato niya ako ng Gulay na mabilis ko namang nasalo.Natatawa nalang akong tumakbo sa taas ng Deck ng yate. Saka nakangiting dinama ang hangin. Hindi kona yata matanggal ang ngiti ko. Ilang minuto akong namalagi don.
"Mister ko, Kakain na" napangiti naman ako sa tinawag sakin ni Fe sa baba. Para akong 4 yrs old kung makatakbo papunta sa kaniya.
"Kain na tayo" aya niya sa mga kasama namin don. Masaya naman kaming kumain dun at nagkwentuhan nang kung ano ano. Nagbahagi din ng buhay magasawa ang mga body guards ko na may asawa na.
"Ganon ba talaga yon e pano pag naglilihi" pangdadaldal ko kay Henry, Yung pinaka pinagkakatiwalaan ko na body guard.
"Shut up" nahihiyang bulong sakin ni Fe saka sinipa ako ng mahina sa Ilalim.Dalawang araw kaming namalagi don hanggang sa isang hapon nakatanggap ako ng text galing kay Kuya Seb.
Kuya Seb:
Riss pumunta ka dito ngayon na kailangan mong pigilan si Lyssa pupunta siya sa main basement ng kalaban para makipagareglo dahil bihag nila si Russ. Eto yung sinend nila na nag trigger kay Lyssa. Ngayon na Riss pigilan mo siya para hindi siya magpadalos dalos. Please lang mas mabuting magisa ka nalang ding dumiritso sa main basement nila para walang madamay nasa likod mo lang kami.
Then nakita kong may finorward siya na picture na nakabihag si Russ. Nagtiim bagang naman ako. Gusto kong sumigaw sa galit.
Paulit ulit kong tinawagan sila Kuya Seb pero ring lang ng ring. Sinubukan ko ding tawagan sila Lyssa at Lileane pero walang sumasagot. Pati na din yong mga bodyguards niya.
"May problema ba?" seryosong pagtatanong sakin ni Fe habang nakaupo sa kama nang makita ang pagmadaling pagbibihis ko.
"Fe babalikan kita mamaya, Kailangan ako ni Lyssa ngayon" nagmamadaling sabi ko sa kaniya at lumabas para warningan ang bodyguard ni Fe dito at pinatawag si Jake para sa yate ko pauwi.
"Aalis ka? sasama ako" seryosong pigil niya sakin saka sinundan ako dito.
"Fe masyadong delikado" malumanay na pagpapaliwanag ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomanceYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...