CHAPTER 1

150 64 26
                                    

'First meet'

Nakatitig lang ako sa kanya habang inaalala ang mga dating nangyari samin. Siya nga to! Ako ang unang nakabawi pero ang pinsan ko ang bumasag sa katahimikan.

"Uhmm guys si Fe nga pala pinsan ko" Nakangiting pagpakilala sakin ng pinsan ko. Maglalahad na sana ako ng kamay pero nakita kong may dalawang babaeng paparating.

Dumiritso ang pinaka maganda kay Riss at nakita ko kung pano nya to hinalikan sa pisnge at isinabit ang kamay nito sa braso nya.

Binalewala ko ang kagulohan na namayani sa isip ko at nagpakilala.
"Ferrielle Arellano pinsan ni James."
Ayoko namang mapahiya si James at mabigyan ng bad impression.

"Lance"
"Luhan"
"Jeremy"
"Lyssa"
Pakilala nila actually kilala ko na sila pero base lang sa mga kwento nuon sakin ni Rissle.

"Fe my gosh ikaw pala yung cousin ni James" Sabi ni lileane sakin.
Magsasalita na sana ako ng may naglahad ng kamay.

"Ace, Rissle's girlfriend" nakangiting sabi nya. Mediyo kumunot nuo ko don. Tinanong ko ba kung girlfriend siya ni Riss.
"You can call me Fe" His first love gusto kong idagdag kaso psh.

At dahil matapang ako naglahad ako ng kamay kay Riss kailangan mong ipakita Ferrielle na wala kanang pake at hindi kana affected kasi wala na naman talaga diba.

"It's been 5 years" it's been 5 years since I loved you in the screen. Naiilang ako sa diin at malamig na titig nya. Hindi nya tinanggap ang kamay ko kaya mediyo napahiya ako don ibababa ko na sana ang kamay ko ng kinuha nya yon at nakipag shake hands sakin.

"Its been a while." Malamig na ani nya.
Agad ko namang binawi kamay ko.

"Teka teka magkakilala ba kayo?" Nakakunot na nuo na tanong ni James sakin pero si lileane ang sumagot.
"Oo nakakagulat nga e pinsan mo pala si Fe"
"Teka pano?" Naguguluhang ani ng pinsan ko.

"We're internet FRIENDS way back nung 15 palang ako" sabi ko at nagulat namn silang lahat except kay Riss na nakatitig parin sakin na parang anytime itatapon nya ko sa Mars buset to ,bakit? Di ba kami friends or baka nagulat sila sa diin ng pagkakasabi ko sa Friends amp.

"I have to go Nice meeting you all" Sabi ko sa kanila.
"James maya nalang ulit" Sabi ko sa pinsan ko sabay halik sa pisngi nya. Lalabas na sana ako don ng may biglang humila sa braso ko at shit nagulat ako sa sobrang lapit ni Rissle sakin.

"Nahulog mo" malamig na sabi nya sabay abot sa panyo ko.
"T-hanks" nauutal na sabi ko at bibitaw na sana kaso ang higpit ng hawak nya sa braso ko pero ginamit ko buong lakas ko para makawala sa pagkakahawak nya

"Katulad ka pa din ng dati ikaw ang unang bumibitaw"malamig na bulong nya na nagpatameme sakin.
"Ganyan talaga pag sobrang higpit na ng pagkakahawak mo at yung isang kamay mo pa may hawak na iba kaya may makakawala talaga." bawi ko sa kanya na palaban ang mukha.

"Aherm" tikhiman ng iba pero seryoso pa din akong nakipagtitigan sa lalakeng kaharap at dahan dahang umalis.

Naisipan ko munang pumunta sa park at nagpahangin. Nang napagdesisyonan kong umuwi na nagulat ako nang nakaabang na pala ang pinsan ko sa sala.

"Insan! Insan! Magkakakilala pala kayu nila Lileane no! Alam mo bang mula nung umalis ka ang tahimik-" Makulit na ani nya. Hinuhuli lang ako nito.

"Matutulog na ako." Pigil ko sa pagsasalita niya. Pumunta na ako sa kwarto at Binalikan ang nangyari ngayong araw hays.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko. Pero naaalala ko lang ang mga nangyayare nuon.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon