'Photography'
Tatlong linggo bago ang church wedding namin ni Riss. Pumasok ako sa office ni Eliza.
"What are you-" nagulat siya ng walang paalam akong pumasok sa office niya at umupo ng elegante sa harap ng upuan sa table niya.
"I walk around with criminals. Nakipagbiruan pa nga ako e. Well sa tagal kong naging prosecutor. Hindi na bago sakin ang makakita ng isa" nakangiting panimula ko sa kaniya.
Nagulat naman siya sa itinuran ko. I crossed my legs and straightened my back habang nakatingin sa kaniya.
"Don't you dare. Wag munang umpisahan yung plano mo na pabagsakin ang firm" nakangiti pading sabi ko sa kaniya.
Nakita ko siyang namutla.
Humalakhak ako ng malakas sa naging reaksyon niya. Nakakatawa.
"How did you-" hindi ko ulit siya pinatapos.
"Kung ako sayo lumayo layo kana. Hindi ka magtatagumpay" pangaasar ko sa kaniya.
I saw her eyes became bloodshot.
"Grabe so totoo nga, Kakaiba ka talaga" nakakuyom na kamaong sabi niya sakin pagkatapos makabawi.
"Thanks for the compliment. Pero kailangan mo paring ibalik yung ninakaw mo" seryosong sagot ko sa kaniya at tumayo na.
"Well by the way here's an invitation" nakangiting sabi ko sabay lahad sa invitation card sa wedding namin ni Riss.
Hindi naman siya nakapagsalita at tinignan lang yon kaya nilagay ko yon sa desk ng table niya at papalabas na sana.
"Opps wait. Wag kang magdadala ng bomba don ha. Thats bad" pinalungkot ko pa ang tinig ko para mangasar saka natatawang lumabas.
Im glad that everything's doing fine na.
Napatawad na ng pamilya ko si Riss.
Naumpisahan ko na ang mga pangarap ko.
Everything's doing smoothly.Now, church wedding nalang namin ang kinabusyhan ko. Mga invitation, gowns. Well thanks to my friends.
Pagbalik ko sa office ko, hindi na ako nagulat ng nakita ko si Lileane, MD at yumms dun na nakatambay. Naabutan ko sila dun na nagtatalo.
"Hindi nga kasi ako-" hindi na natapos ni MD ang sasabihin niya ng pumasok ako.
"Ferri tale, sino pala maid of honor mo? Nasukatan na kami ng gowns pero hindi namin alam anong lugar namin sa wedding mo" mahabang reklamo niya.Kumunot naman ang nuo ko.
"Diba may invitation akong binigay kanina , di nyo nabasa?" Well obviously Fe psh."See? Bab? Lileane? Ako ang maid of honor ni Fe" mayabang na sambit ni MD sa kanilang dalawa.
Nagpigil nalang ako ng tawa na umupo sa swivel chair ko.
Sabay nilang tinignan ang invitation.
Sabay din na nagreklamo."Bakit hindi ako duh?"
"Dapat ako yon yumms"
"Abay si Glorievic?"Saktong pumasok si Glorievic sa office ko.
"Brides maid lang kayong tatlo. Meet my maid of honor" nakangising sabi ko sa kanila.Nakipagkwentuhan muna sila ni Glorievic bago nila ako pinansin.
"Sge ganyan pala Ferri tale ha. Sige ako nalang sisigaw ng Itigil ang kasal. Akala mo ha" nagtatampong ani ni MD sakin.
"Hindi kasi, nangako kami ni Glo nuon na maid of honor kami sa kasal namin" pagpaliwanag ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomantikYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...