Riss P.O.V
"I didn't see any ring Mr.Velleza" hindi na ako nagulat sa itinuran niya sakin at saka napangisi ng palihim.
"Kaya engage my ass" parang kiniliti ang puso ko sa galit na itinuran niya na parang dapat sa kanya lang ako. Napakagat labi nalang ako para pigilan ang kumakawalang ngiti. Stop it Riss! Hindi mo dapat ipakita ang ganong emosyon tss.
"Kung ayaw mo maniwala okay" pagkibit balikat na tugon ko sa kaniya saka tumalikod para itago ang di ko mapigilang ngiti. Umupo ako sa swivel chair at inopen ang laptop at nagkunwaring busy.
"W-hat, bat wala sa research ko to?" dinig kong pagkakausap niya sa sarili niya at saka hinilot ang ulo niya.
'That's it ma frustrate ka tss. Misis ko. Wala ka din palang pinagbago' saad ko sa isip ko at napalunok. Gusto kong hawakan ang puso na ang bilis pa din ng kabog.
Magsasalita pa sana siya ng may marahas na pumasok sa office ko. Agad naman akong napatayo.
"Riss? Bakit sira ang aircon sa office ko at isa pa balita ko nakauwi na daw ng Pilipinas si-" Hindi na niya natapos ang pagsasalita niya ng napatingin siya sa bisita ko at nagtitigan sila.Agad naman akong lumapit kay Fe. Ang ingay ingay nagmomoment pa kami dito ni Fe tapos bigla siyang sisingit? Inis na saad ko sa isip ko.
"Mia Dodelle" sambit ni Fe sa pangalan ni MD at nakita ko naman kung pano nagbago ang ekspresyon ni MD. Matagal bago siya makasagot at ramdam ko naman ang namumuong tensyon sa kanila.
"Bumalik ka pa" nakangising ani ni MD sa kaniya saka nangiligid ang luhang napailing at padabog na umalis don at sinara ang pinto.
Nakita ko namang tulala pa din si Fe sa nilabasan na pinto ni MD saka pinaglaruan ang kamay niya at tinago sa likod. Mannerism niya yon pag kinakabahan siya o di niya alam ang gagawin. Gusto ko tuloy hawakan ang kamay niya at pigilan yon pero may parte sakin na galit pa rin.
Bigla namang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Lyssa sakin nang nabalitaan naming uuwi na siya ng Pilipinas.
"Pag bumalik siya..., dont you dare forget the way you broke when she left" babala niya pa sakin.
~~Flashback~~
Letseng dare to, Ayos na sana kung sa Ateneo kami para di na namin kailangang bumili ng Condo dito tsss. Habang inis na inis ako sa paglalakad palabas ng campus biglang may bumangga sakin at di man lang nag sorry.
Magsasalita na sana ako nang pasimple niya lang akong tinapik sa balikat at nilagpasan. Napamaang naman akong tinignan ang likod ng babaeng ang yabang kung lumakad. Saka inis na pinulot ang mga libro na bitbit ko.
"Ang tagal mo dude" reklamo sakin ni Luhan at saka inis ko lang syang tinignan.
"Asan yung maarteng kambal mo?" Masungit na saad ko sa kanya.
"Tara nasa Starbucks daw siya" ani naman sakin ni Lance saka inakbayan ako.Nasa Pinto palang kami ng Starbucks pero agad akong natigilan sa paglalakad ko nang makita kung sino ang kausap ni Lileane at nang Jowa niya. Isang familiar na mukha na nakikita ko lang sa screen nuon.
"Mary Ferrielle Arellano, pinsan ni James" pagpakilala niya pa. Nagulat talaga ako nang makita siya pero mas nakakagulat na malaman na pinsan pala siya ng kinababaliwan ni Lileane. Pansin kong palagi siyang ilag sa mga malalamig na tingin ko tss.
"Pst baka matunaw yan dude" bulong sakin ni Luhan sa harap ng seat ng Van nag papunta na kaming Baguio. Di ko naman maiwasang mapaigtad ng nasandal niya ang ulo niya sa mga balikat ko at buong biyahe akong nakatitig lang sa kaniya. I can't believe na nakita ko na siya sa personal. The person I loved on screen.
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomanceYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...