CHAPTER 16

65 40 0
                                    

'Unfair'

Hindi ko alam pano ko nakayang mag drive papuntang St. Luke's QC nang hindi naaksidente sa motor sa kabila ng padilim na araw.

Pagpasok ko pa lang sa hallway dinagan na ako ng takot. Sobrang takot na nag faflashback lahat ng napagdaanan ko sa Hospital. Humugot ako ng lakas na loob kahit nanginginig ang tuhod ko para magtanong sa nurse kung asan ang room Riss at nang papunta na ako sa room niya saktong nakasalubong ko ang Mama niya.

Magsasalita pa sana ako ng unahan niya ako. Tinignan niya muna kabuoan ko at bigla naman akong tinablan ng hiya. Sabog ang buhok, namumutlang mga labi at mugtong mga mata.

"Bakit ngayon ka lang? He is about to discharge" sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Pagkatapos niyang sabihin yon mabilis syang napailing nalang at umalis.

Napayoko nalang ako at pumasok sa room. Nakita kong nakalatay sa Hospital bed si Riss, tulog at may benda sa ulo. Ibat ibang imahe na ang nakikita ko sa isip ko, si Papa, si Trisha. Fuck this trauma.

Tinatagan ko ang loob ko at lumapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. Gusto kong magalit dahil bat ayaw niyang ipasabi sakin. Gusto kong magwala kasi bakit napakawalang kwenta kong girlfriend.

Naramdaman niya yatang nandito ako kasi nagising sya at nagulat nang makita ako.
"Fe" ani niya sakin, hindi ko alam bat naramdaman kong nabasag ang puso ko nang marinig ang boses niya.

"Sinabi sakin ni Lileane" inunahan ko na siya at inalalayan siyang umupo.
"Mag gagabi na nakamotor ka, pano kung may nangyare sayo" inis na ani niya sakin pero tinignan ko lang siya ng malamig.

"Bakit ayaw mo ipasabi sakin?" malamig na pagtatanong ko sa kanya saka tinititigan siya ng diritso sa mata. Nakita ko naman syang nagiwas ng tingin at bumuntong hininga.

"Ayoko lang magalala ka" malambing na ani niya sakin saka hinawakan ang mga kamay ko at hinalikan yon.
"Namimiss kita Misis ko" Hindi ko alam kung sobrang manhid naba ng puso ko at di ko magawang kiligin sa sinabi niya.

"Sa tingin mo hindi ko malalaman" malamig pa din na saad ko. Gumagawa yata ako ng sariling yelo sa kwarto at sobrang lamig ko. Wala akong maramdaman kundi tanging takot lang.

"Natatakot akong magalit ka at sobrang magalala...Fe alam ko ang epekto sayo pag usapang aksidente" mahinang ani niya sakin saka hinaplos ang nuo ko.

"Natakot akong matakot ka din sakin" dagdag nya pa kaya mabilis na namasa naman ang mata ko.

Bigla nalang akong napahagulhol sa kaniya. Yung hagulhol na parang nanghihingi ng tulong. Yung iyak na gustong ako naman ang tulungan nila. Hindi ko na alam iisipin at mararamdaman ko. Pero kailangan kong magpakatatag para sa kanila.

"M-isis ko, Im sorry" pakiusap niya sakin habang ngayon niyayakap na ako habang umiiyak parin.
"Tahan na, sorry" naiiyak na din na ani niya sakin.

Dalawang araw mula non sinimulan kong ayusin ulit ang sarili ko ng magisa. Lahat ng frustrations ko sa buhay binuhos ko sa pagaaral. Lahat ng oras ko sa pahinga ginamit ko sa pagaaral.

"Ms. Arellano, good job. Puros uno grades mo" ani ni Corazon sakin ng nakasalubong ko sya sa hallway kaya napangiti nalang ako at nag thank you.

Naisipan kong bisitahin si Riss sa school niya total pupunta din naman si James dun para bibisitahin si Lileane at since maaga ang dismissal. Bumili din ako ng Codal niya kahit hindi pa naman sya mag lalaw kasi nakita kong may biniling Boquet yung pinsan ko para kay Lileane kaya binilhan ko nalang din siya.

Dahil Tuesday ngayon at wala akong shift nagawa kong sumabay kay James sa sasakyan niya. Tahimik na nagisip habang nakatingin sa labas ng bintana bitbit yung nakabalot na Codal book at napangiti naman ako ng konti habang tinititigan yon.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon