'Iuuwi'
Mabilis ko naman siyang tinulak ng malakas saka pinulot ulit ang basket at lumakad na papalayo sa kaniya.
"Fe" Habol niya ulit sakin habang pinupunasan ang mata niya. Nagtatakang tingin naman ang binigay niya sakin at ako din sa kaniya.
"Puwede po bang tumigil kayo malayo pa ang uuwian ko, sa isang bayan pa" nakikiusap na ani ko sa kaniya. Nakita ko namang nalaglag ang panga niya.
Saglit siya na natameme saka hinawakan ulit ako sa siko. Bumaba naman ang tingin ko don at bahagyang nakaramdam ng kuryente sa katawan.
"Ihahatid na kita" seryosong offer niya kahit nagugulohan. Mabilis naman akong umiling sa kaniya.
"Salamat nalang Sir, Pero kaya kong magisa, Ingat" sabi ko sabay talikod sa kaniya.
Iniwan ko siya dun na tulala saka seryosong nagpatuloy sa paglalakad.
Naghihintay na si Kenzo at nanay sakin.
Nang papara na sana ako ng Jeep papuntang isang bayan.Mabilis akong hinila nung lalake kanina.
Sinubukan kong magpumiglas sa hawak niya pero nahihirapan ako dahil na rin sa dala kong basket na may lamang prutas."Ano ba" pagpupumiglas ko sa kaniya hanggang nakarating kami sa sasakyan niya.
"Ihahatid kita" seryosong sabi niya at napasapo nalang ako sa nuo ko.
"Tangina nito ang kulit" naiinis na bulong ko na siguradong nadinig niya.
"Hindi po ako sumasama sa hindi ko kakilala" rason ko sa kaniya at tumiim bagang naman siya saka napapikit at bumuntong hininga."Rissle Aries Velleza, call me Riss" sabi niya sabay lahad ng kamay sakin habang nakaupo sa driver's seat. Mabilis na tinanggap ko naman yun at nagpakilala.
"Daile Hillary Maceda" sagot ko sa kaniya."Sumakay kana" napalunok na ani niya kaya wala akong magawa kundi sumakay saka sinabi ang address ng bahay. Tahimik naman akong nakaupo dito sa harapan ng kotse niya.
"Puwede bang magsalita ka" malungkot na ani niya sakin saka tinignan ako saglit at kita ko na naman ang luha sa mata niya.
"Po?" Gulat na tanong ko sa kaniya.
"I miss your voice" Nabasag naman ang boses niya nung sinabi yon habang nagdadrive padin."Ah kakantahan nalang po kita bilang pasalamat na din sa paghatid" nakangiting offer ko sa kaniya kahit sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Nakita ko naman siyang tumango kaya tumikhim ako.
"There I was an empty piece of a shell
Just minding my own world" nakangiting panimula ko at naramdaman ko namang bumagal ang biyahe."Without even knowing what love and life were all about" pagkanta ko pa rin may papitik pitik pa sa kamay sa ere.
Nakita ko naman siyang tulala sa daan at napalunok nalang sa sarili.
"Then you came you brought me out of the shell, you give the world to me and before I know there I was so in love with you" madamdaming pagkanta ko at namasa naman ang mata ko.Bigla niyang tinigil ang sasakyan sa gilid ng daan. Saka maluha luhang tumingin sakin at pinunasan ko naman agad ang luhang tumulo sa mata ko.
"Sorry naiyak lang ako hindi ko alam bakit" natatawang sabi ko sa kaniya. Shit naman.
"Please continue" mahinang sabi niya sakin habang patuloy na tumutulo ang luha."You give me a reason for my being and I love what I'm feeling. You give me a meaning to my life and I've gone beyond existing"pagsunod ko sa sinabi niya.
"And it all began when I met you" patapos ko sa kaniya. Hindi ko alam anong sumapi sakin at lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang luha niya na patuloy pa ding tumutulo. Mabilis na pinigilan ko naman ang sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/278249636-288-k422114.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomanceYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...