Chapter 20

3.7K 102 2
                                    

CHAPTER 20

Adira's POV

"Ssh... baby. Tahan na. Nandito na si Mommy. Don't cry na." pagpapatahan ko kay Zaine na kanina pa iyak ng iyak.

"Ssh.. Lalalala. Sasayaw na si Mommy para hindi ka na umiyak." pag-aalo ko sa kanya at sumayaw sayaw.

Laking pasasalamat ko ng unti-unti siyang tumahan.

Ng tuluyan na siyang tumahan at nakatulog ay dahan dahan ko siyang binaba sa crib.

Agad ko namang sinamaan ng tingin si Jia na ngayon ay nakalabi.

"Ikaw! Malilintikan ka sa akin e! Bakit mo kasi ginawa yun, e di umiyak tuloy!" inis kong sabi sa kanya at nagpeace sign naman siya.

"Sorry naman. Hindi ko kasi alam na iiyak siya."

Inis ko naman siyang tinignan.

Paano naman kasi, bigla na lang niyang nilakihan ang mata niya sa harap ni Zaine. Eh di ayun tuloy! Umiyak.

"Natakot siguro sayo, Jia. Paano ba naman kasi, sinong hindi matatakot kung makakita ka ng isang pangit na tarsier." sabi ni Zephyrus kay Jia kaya agad siyang nakatanggap ng masamang tingin kay Jia.

"Anong sabi mo? Ako? Pangit na tarsier?! Sa ganda kong 'to!"

"Wala naman akong binabanggit ah. Ikaw nagsabi niyan." inosenteng sabi ni Zephyrus kaya agad siyang nakatanggap ng batok kay Jia.

"Bwisit ka! Maganda ako kaya natakot siya. Natakot siya na mas malalamangan ko pa rin siya kahit na lumaki na siya!" sigaw ni Jia kaya Zephyrus kaya napatakip ako ng tainga at napapikit ng mariin.

Nakakabingi talaga ang boses nitong babae na 'to.

"Natakot siya kasi may kaibigan yung Mommy niya na isang pangit na tarsier." sabi ni Zephyrus at binuntutan pa ng tawa.

"Hahaha. Payag ka nun, Jia? Isang pangit na tarsier?" biglang sabad ni Akira sa gilid ko.

"Hindi syempre! Ang yabang mo ah! Parang hindi ka mukhang urangutang animal ka! Tignan mo nga ang itsura mo! Daig mo pa ang taeng tinapakan ng paa." galit na sabi ni Jia kaya agad na nagseryoso si Zephyrus.

"Are you sure?"

Bigla namang nag-iwas ng tingin si Jia at hindi nakapagsalita.

"Ay wow. Magugunaw na ba ang mundo? Bakit biglang tumiklop ang isang madaldal na Jia Santos?"

Natawa naman si Zephyrus at siya ng ang sumagot.

"Paano kasi, pumunta kami ng mall. Sa sobrang kakahawak niya ay may nabitawan siyang isang mamahaling vase. Hinawakan niya, ayun nabasag." sabi ni Zephyrus kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit wala ata akong alam na ganiyan?" tanong ko kaya napatingin sa akin si Zephyrus.

"Paano kasi, kahihiyan niya e. Alangan namang ikuwento niya."

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now