Chapter 30

3.6K 105 4
                                    

CHAPTER 30

Adira's POV

"A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal kong sabi at mahigpit na hinawakan ang door knob ng pinto.

Namulsa lang siya sa harap ko at cold akong tinignan.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganyan. Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

"Me?" sabay turo sa aking sarili.

"Ito lang naman ang tinutuluyan ko. Kaya ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at humalukipkip naman siya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa uri ng tingin niya.

"May nakapagsabi kasi sa akin na dito raw nakatira ang isang magnanakaw na kumuha ng milyon sa aking kumpanya." madiin niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Napataas naman ang kilay ko ng dahil sa sinabi niya.

"So anong pinupunto mo? Na ako ang magnanakaw na yun?" sabi ko at hindi ko maiwasang hindi mainis.

Pinagbibintangan niya ba ako?!

"Hindi ako ang nagsabi niyan. But, maaari ring totoo ang sinasabi nila dahil mukhang guilty ka." sabi niya kaya hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses.

"Hindi ako guilty!" sigaw ko kaya nagulat ako dahil sa biglaang pagtaas ko ng boses.

Pati siya ay mukhang nagulat pero agad ding napalitan ng ngisi ang kanyang mga labi.

"See? You looked guilty." nakangisi niyang sabi kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galit.

"Wow. Matapos mo akong pagbintangan noon na mukha akong pera. Na habol ko lang ay pera at ngayon naman ay pagbibintangan mo pa akong magnanakaw. Ganyan ka na ba talaga ha?! Puro ka na lang nambibintang ng hindi mo man lang inaalam ang katotohanan. Bakit ba napakajerk mo! Hayup!" sigaw ko at hindi ko maiwasang hindi mapaluha.

Sa sobrang sama ng loob ko ay agad akong napahagulgol.

"Hindi naman kita pinagbibintangan. Ikaw ang nagsabi niyan kaya huwag kang umiyak diyan." sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi nga! Pero sa uri ng pagsasalita mo, para mo na rin akong pinagbibintangan!" sigaw ko at mas napahagulgol pa.

"Mommy?"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ng panganay kong anak.

"Mommy? Mommy!" sigaw niya at agad na tumakbo palapit sa akin.

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin.

"Mommy, why are you crying? Did someone hurt you? Tell me mommy! Are you hurt?" tanong niya kaya naman napatingin ako kay Zion na ngayon ay natulos sa kinatatayuan niya.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil alam kong sa mga oras na ito ay may ideya na siya.

Dahil mula pa lang sa mga ni Zander...

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now