Epilogue

4.8K 115 9
                                    

This part (chapter) is dedicated to @Laia_Ray7 :>

EPILOGUE

Labis ang kabang aking nararamdaman habang nakatingin sa nakasarang pinto ng simbahan. Mas lalo lang nadadagdagan ang aking kaba dahil sa pananakot ni Zephyrus na kasalukuyang nasa tabi ko.

"Ganito yung mga nakikita ko sa TV e. Hindi raw sumisipot ang mga bride lalo na kung labis daw silang sinaktan nung groom bago sila kinasal. Kumbaga, nagising na siya sa katotohanan na huwag na dapat pang pakasalan yung mga ganoong klase ng lalaki." sabi niya at nilingon ako.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin na ikinatawa niya.

"Relax ka lang kasi, bro. Sisiputin ka naman nun e. Si Adira pa, sus! Patay na patay ata sayo yun e." sabi niya sa akin habang tumatawa.

"Shut up. Kanina ka pa dada ng dada. Baka ikaw ang maging patay kung hindi ka diyan tumahimik." I said, threatening him.

Tumawa naman siya at iba na lang ang kinausap. Napatingin naman ako sa pinto ng simbahan ng bumukas ito. Kasabay ng pagbukas nito ay ang pagtugtog ng violin.

A Thousand Years.

It was a good choice of music. Theme song namin ito ni Adira kaya naman ay napili namin ito... to be our wedding song.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti and at the same time, mapaluha nang masilayan ko si Adira habang katabi niya ang kanyang mama. She's wearing a white long gown while her hair was in a messy bun na may naiwang konting hibla ng buhok sa magkabilang side ng kanyang mukha. Bagay na bagay sa kanya ang wedding gown na napili niya and I must say na... mas lalo siyang gumanda sa ayos niya ngayon.

Adira Aine Zachariel.

My soon to be wife. Ah! It sounds good. I can't really wait to change the surname of the woman I have loved since high school days.

Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sa huli... siya pa rin pala talaga ang makakatuluyan ko. Siya pa rin pala ang maihaharap ko sa altar ng simbahan. At higit sa lahat, siya pa rin pala ang mapapangasawa ko at ang magiging ina ng mga anak ko.

Years ago, I only dreamed of this. Napapikit na lang tuloy ako ng mariin ng unti-unting bumalik sa akin ang lahat na tila ba'y kahapon lang nangyari. Ang mga alaala kung paano ko siya nakilala, kung paano ko siya nagustuhan, kung paano ko hinangad na maging akin siya, kung paano ko siya minahal na hindi ko namalayan.

"Give it back to me." inis kong sabi kay Wence ng agawin nito ang aking notebook.

Gumagawa ako ng reviewer that time for our upcoming exam habang nakikinig ako ng chill music sa Spotify. Natigil lamang ito ng biglang agawin sa akin ni Wence ang aking notebook. Pagkakuha niya sa akin ay agad niya itong tinago sa kanyang bag.

Seriously, anong problema ng mga 'to?

"Nope. Hindi namin ibabalik sayo 'to hangga't hindi ka sumasama sa amin sa mall." sabi ni Jeric kaya naman ay humalukipkip ako.

"Ayoko. I still need to make a reviewer for our upcoming exam. And... masasayang lang ang oras ko ng dahil diyan so, no." inis na sabi ko.

Ewan ko ba kung anong nakain ng dalawang ito at bigla-bigla na lang silang nag-aaya na mag-mall samantalang papalapit na ang exam namin. Mas kailangan kong magreview kaysa gumala dahil wala naman akong makukuhang mataas na marka kung gagala at magchi-chill lang ako.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now