Chapter 43

2.9K 87 6
                                    

CHAPTER 43

Adira's POV

Naramdaman kong parang may nakahawak sa kamay ko kaya unti unti akong dumilat at agad na bumungad sa akin ang puting kisame. Base sa ayos at amoy nito ay nalaman kong nasa hospital ako.

Ano na naman bang nangyari?

Ramdam ko pa rin na may nakahawak sa kamay ko kaya unti unti kong nilingon kong sino ito at bumungad sa akin ang natutulog na si Zion habang mahigpit na hawak ang kamay ko na tila ba ay takot itong bitawan dahil baka sa oras na bitawan niya ang kamay ko ay mawala ako sa piling niya.

Napangiti naman ako ng makita kong ang himbing ng kaniyang tulog. Nakakainggit lang na ang gwapo pa rin niya kahit tulog siya.

Unti unti naman niyang iminulat ang kanyang mata at agad na nanlaki ang mata nito ng makita niyang gising na ako.

"Hey."

"Oh, thank God you're awake." sabi niya at agad na niyakap ako ng mahigpit.

Pilit kong hindi mapangiwi dahil sa higpit ng yakap niya. Nang mapansin niyang nakangiwi ako ay agad niyang niluwagan ang yakap niya sa akin.

"I'm sorry, I'm just worried about you." sabi niya at bumalik sa kanyang upuan.

"Are you okay? Wala na bang masakit sayo?" alalang tanong niya sa akin.

Umiling naman ako at ngumiti sa kaniya para naman maibsan ang pag-aalalang nararamdaman niya.

"I'm okay, don't worry."

Umayos ako ng upo ng maalala kong may itatanong pala ako sa kanya.

"Ano bang nangyari? Bakit ako nandito?" tanong ko at bumuntong hininga naman siya.

"Nahimatay ka habang nasa christmas party tayo."

Napaisip naman ako at unti unti kong naalala ang nangyari sa akin. Bigla na lang umikot ang paningin ako sa hindi malamang kadahilanan. Pilit akong lumalaban pero hindi ko nakayanan at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong niya ulit.

"Oo nga, ayos lang ako. Huwag ka ng mag-alala."

Magsasalita pa sana siya ng biglang may pumasok na doctor kaya hindi niya natuloy ang dapat niyang sasabihin.

"Good morning." bati niya sa amin at agad na tinignan ako.

"How are you feeling, Mrs. Sylvastre?"

"Okay lang po, doc." magalang kong sabi at agad na sumabad sa usapan si Zion.

"Ano ba talagang nangyari sa asawa ko, doc? Why did she collapsed? She's okay right? Wala naman kaming dapat ikabahala, right?" sunod sunod na tanong ni Zion kaya naman napailing na lang si doc habang pilit na pinipigilan ang ngiti.

"Isa isa nga lang ang itanong mo. Hindi tuloy 'yan masasagot ni doc e." sabi ko pero hindi niya ako pinansin at nakaharap pa rin sa doctor.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now