Chapter 55

3.1K 77 2
                                    

CHAPTER 55

Adira's POV

Pagkadilat ko ng aking mata ay agad na bumungad sa akin ang isang bumbilya na hindi masyadong maliwanag. Napapikit pa ako ng konti dahil sa pagkasilaw. Ramdam ko ang pananakit ng aking ulo habang medyo umiikot ang paningin ko.

Anong nangyari?

Nilibot ko ang aking paningin kaya naman agad akong napabalikwas dahil sa aking nakita... isang hindi pamilyar na silid. Doon ko naalala na dapat ay pupuntahan ko si Zion pero bigla na lamang may tumigil na van sa tapat ko. Agad doong lumabas ang ilang kalalakihan at agad akong pinaamoy ng may gamot na panyo. Pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay at nagising na lang na nandito na ako habang nakagapos. Nilibot ko ulit ang aking tingin at agad akong binalot ng matinding takot nang makita kong parehas na parehas nito ang panaginip ko.

Isang madilim na silid na kung saan ay may isang mahinang bumbilya lang na nakakasabit sa gitna na tanging nagbibigay lang ng munting liwanag. May mesa ring nasa tapat ko kung saan ay nandoon ang isang packaging tape at ang panyo na ginamit sa akin. Wala rin akong ibang makita bukod sa mga drum at kahoy. Tila ba'y abandonado na ang lugar na ito at ginagamit lang kung may gagawin mang ganito. Napatingin naman ako sa sarili ko at napaiyak na lang ako nang makita kong nakatali ako sa isang silya habang may busal ang bibig ko.

Oh god, please help us.

Napatingin ako sa gilid ko ng biglang bumukas doon ang pinto at nagsipasukan ang apat na kalalakihan. Kung sa panaginip ko ay malabo ang kanilang mukha, ngayon naman ay malinaw na malinaw ko nang nakikita ang kanilang mga mukha habang nakangisi.

"Gising na pala ang ating sleeping beauty. Kumusta ang tulog mo sleeping beauty... nakatulog ka ba ng mahimbing?" asar na tanong ng isa sa kanila habang nakangisi.

Gustong gusto kong magsalita at murahin sila pero hindi ko magawa dahil sa busal sa bibig ko. Ang tanging nagagawa ko na lang ngayon ay pilit na kumawala sa pagkakatali at samaan sila ng tingin.

Kapag ako nakawala dito, humanda kayo sa akin!

"Alisan mo nga 'yan ng busal. Mukhang may sinasabi e." utos ng isa sa kanila kaya agad na lumapit sa akin ang isa para alisan ako ng busal.

Pagkalapit niya ay agad na inalis ang busal ko. Akala ko ay hanggang doon na lang yun pero bigla niyang hinawakan ang labi ko habang tinitignan ako ng puno nang pagnanasa kaya naman agad kong kinagat ang daliri niya na humihimas sa bibig ko.

Agad siyang napadaing dahil sa kagat ko. Binalingan niya ako ng tingin at galit na sinampal ako. Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sampal niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maiyak. Nalasahan ko pa ang dugo sa loob ng bibig ko dahil sa pagkakasampal niya.

"Gago ka, sino ka para sampalin ako ha!" sigaw niya sa mukha ko at marahas na hinawakan ang panga ko para magpantay ang tingin namin.

Sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa panga ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapadaing.

"Ang sarap namang pakinggan." sabi niya at unti unting nilapit ang mukha sa akin.

Ng dahil sa inis ay agad ko tuloy siyang dinuraan sa mukha kaya naman ay agad siyang napaatras ng dahil sa ginawa ko. Pero saglit lang yun dahil sinampal niya ulit ako pero ngayon ay sa kabilang pisngi naman.

Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya sa akin. Sobrang laki at bigat kasi ng kamay niya kaya hindi malabong magkapasa ang pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya sa akin.

Akala ko ay titigil na siya pero agad niya akong sinipa. Kasabay ng pagtumba ko ay ang pagtumba rin ng upuan ko. Ramdam ko ang pagkauntog ng ulo ko sa semento at ang pag-ikot ng paningin ko kaya naman napapikit na lang ako.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now