Chapter 32

3.5K 103 2
                                    

CHAPTER 32

Adira's POV

Agad akong pumunta sa may pinto kahit na halos nanginginig na ang mga kalamnan ko sa kaba at sa takot.

Nagkaroon ako ng phobia sa pagbukas ng pinto dahil baka sa oras na ito... kapag binuksan ko ang pinto ay siyang pagkawala sa akin ng mga anak ko.

Praning man pero hindi ko maiwasang matakot at kabahan.

Pagkalapit ko sa pinto ay napahawak ako sa door knob at pumikit ng mariin.

Dahan dahan ko itong binuksan at halos makahinga ako ng maluwag ng makita kung sino ang nasa labas.

"Adira!"

Si Jia.

"Oh my god, Adira!" hiyaw niya at agad akong sinugod ng yakap.

Niyakap ko naman siya pabalik matapos ng ilang segundo.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ang kabuuan ko.

"Bakit parang takot na takot ka? May nagbabanta ba sa buhay mo?" tanong niya kaya inismidan ko siya.

"Sira, akala ko kasi ay kung sino na iyang kumakatok." sabi ko at iginaya siya papasok.

Napatingin ako sa likod niya at medyo nagulat pa ako ng makita ko sa likod niya si Zephyrus.

"Sinama mo siya?" tanong ko at umismid naman si Jia.

"Duh! Syempre. Siya ang driver ko 'no. Paano ako makakapunta dito kung wala akong driver." sabi ni Jia na ikinaismid din ni Zephyrus.

Tahimik lang siyang nakapamulsa habang seryosong nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi mailang kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

Agad kaming pumasok sa loob at agad namang tumakbo palapit si Jia sa mga anak ko.

"Babies!"

"Tita Ganda!" sigaw ng mga anak ko at agad na sinugod ng yakap si Jia.

"Akyat muna kayo sa taas mga anak. Mag-uusap muna kami ha." sabi ko at agad naman silang tumango.

"Okay po, Mommy!"

Agad naman silang umakyat kaya naiwan kaming tatlo.

"Upo muna kayo." sabi ko at umupo.

"Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong ko kay Jia dahil ang alam ko ay may pasok sila.

At ako ay nagresign na.

"Syempre para dalawin ka. At alam naming hindi ka okay. Nalaman kasi namin yung nangyari kaya agad kaming pumunta dito. At saka napanaginipan kasi kita e." sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ako?"

"Ay hindi. Hindi. Siya." sabi niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now