Chapter 37

3.6K 99 1
                                    

CHAPTER 37

Adira's POV

"H-Husband?"

"Yes, i'm your husband." seryoso niyang sabi kaya naman hindi maalis ang panlalaki ng mata ko.

Itong gwapo na 'to? Ay.. Ay asawa ko?

"Do you have a problem with that? Why are you so shocked?" tanong niya na ikinalabi ko.

"Sobrang gwapo mo naman kasi para maging asawa ko. Hindi lang kapani-paniwala." wala sa sarili kong sabi kaya naman napatingin ako sa kanya at napatakip sa bibig ko ng marealize ang aking nasabi.

Nakita ko naman ang mapaglarong ngisi sa labi niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapaiwas ng tingin.

Heck! Anong nangyayari sa akin?

Napaigtad ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Hinawakan niya ang baba ko at pilit na tinaasan ang mukha ko para makita niya ang aking mukha.

Hindi ko naman naiwasang hindi mapatitig sa mga mata niya at sa mga makakapal niyang kilay at pilik mata.

So damn hot and handsome.

"Are you okay now? May masakit pa ba sayo?" tanong niya na ikinakurap ko.

Tila ba'y nahypnotized ang katawan ko at kusa na lamang akong umiling.

Napabuntong hininga naman siya at hinalikan ang noo ko kaya napapikit ako ng dahil sa kanyang paghalik.

"I'm glad that you're okay. Nag-aalala ako ng sobra ng dahil sayo. You scared me." sabi niya.

"S-Sorry." sabi ko at napakagat sa ibabang labi ko.

"Sorry for what? Hmm?" sabi niya tinignan ako.

"Sorry dahil pinag-alala ko kayo and... uhmm-- dahil nakalimutan ko kayo." sabi ko at napayuko.

"Sorry kasi hindi ko man lang kayo maalala. Sorry." sabi ko at hinawakan naman niya ang baba ko at hinalikan ang tungki ng ilong ko na ikinabigla ko.

"Stop saying sorry. Wala kang dapat na ikahingi ng tawad. It's okay if you forgot us. Ang importante ay maayos ka at buhay ka. Kung nakalimutan mo man kami, eh di gumawa ulit tayo ng bagong memories. Okay?" sabi niya kaya naman napatango ako.

"Thank you." sabi ko at ngumiti naman siya.

"Are you hungry?" biglang tanong niya kaya naman tumango ako.

"Oo. Nagugutom na ako." sabi ko at sabay na tumunog ang tiyan ko kaya napatakip ako sa mukha ko sa sobrang hiya.

Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya mas lalo kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.

Shit! Nakakahiya!

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya at inalis ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now