Chapter 31

3.7K 99 0
                                    

CHAPTER 31

Adira's POV

Nilibot ko ang tingin ko sa dating bahay namin dito sa aming probinsiya.

Nakakamiss ang lugar na ito. Lugar na puno ng iba't ibang mga ala-ala.

"Mommy, bakit po tayo biglang umalis sa bahay natin?" biglang tanong sa akin ni Zander kaya agad akong napatingin sa kanya.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa biglaang tanong niya.

Naalala ko tuloy ang nabasa kong text kahapon na patuloy na bumabagabag sa akin.

Hindi ko alam kung wrong send ba yun o para ba talaga sa akin pero mas mabuti na ito.

Iyon din ang isa sa mga rason kung bakit kami lumipat dito sa dati naming bahay.

Huminga naman ako ng malalim at saka hinawakan ang kamay ng anak ko.

"Baby, from now on... dito na tayo titira ng mga kapatid mo okay." sabi ko kaya agad na nangunot ang noo niya.

"Why so sudden, Mommy? Is there anything wrong? What's the problem?" tanong niya kaya inilingan ko siya.

"No baby. Everything's alright. At yung dahilan kung bakit tayo lumipat dito ay sa akin muna okay? It's an adult stuff." sabi ko at tumango siya ng napipilitan.

Medyo kinabahan pa ako sa uri ng tingin niya sa akin kanina.

Gayang gaya lang ng kanyang ama.

"Adira! Anong ginagawa niyo dito?" biglang sulpot ni Mama at agad akong niyakap.

"Ma.."

"Anong nangyari at bigla kayong napabisita dito?" tanong niya at bago pa ako sumagot ay nakasagot na ang mga anak ko.

"Dito na po kami kasi titira, Mommy La." sabad ni Zaine kaya agad na nanlaki ang mga mata ni Mama.

"Ano?! Bakit? May nangyari ba?" agad niyang tanong sa akin kaya napalabi ako.

"Ma... pwede bang mamaya na natin yun pag-usapan. Sasabihin ko sayo ang lahat mamaya." sabi ko at tinignan siya.

Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong sabihin kaya tumango siya at agad kaming ginaya papasok.

"Upo muna kayo diyan at kukuha lang ako ng maiinom." sabi ni Mama kaya agad ko silang pinaupo sa sala at sumunod kay Mama.

Pagkarating ko dun ay agad akong hinarap ni Mama at tinignan ako ng puno ng pag-aalala.

"Anong nangyari? Paniguradong may nangyari dahil hindi kayo bigla biglang lilipat dito ng walang dahilan." sabi niya at biglang sumabad si Akira na sumunod pala sa amin.

"May nareceive kasi si Adira na message na sinasabing I know everything now. Duda niya, iyon ang ama nung mga bata kaya dahil sa takot ay agad siyang bumiyahe papunta dito kasama ang mga bata." sabi ni Akira kaya agad na nangunot ang noo ni Mama.

"Ama nung mga bata? At paano naman niya gagawin yun?" takang tanong ni Mama kaya naman humalukipkip si Akira.

"Eh paano kasi, Ma. Nagkita na ngayon si Adira at ang ama ng mga anak nila. At pati yung ama ay nakita na ang mga anak nila. At masyadong mapaglaro ang tadhana dahil iyon ang boss nitong si Adira." sabi ni Akira kaya naman napasinghap si Mama.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now