Chapter 34

3.5K 96 4
                                    

CHAPTER 34

Adira's POV

"You think you can hide from me?  You better think twice. You can't forever hide from me and you can't also hide my children to me." sabi niya na ikinahina ng mga tuhod ko.

Shit! Anong dapat kong gawin?

"A-Ano.. P-Paano? P-Paano mo nalaman na dito a-ako nakatira?" utal utal kong tanong habang mahigpit na hawak ang hamba ng pintuan.

Ngumisi naman siya sa akin at tinignan ako ng puno ng pang-uuyam.

"I have my ways." sabi niya.

Hindi ko naman maiwasang hindi matakot dahil ngayon na alam na niya ang katototohanang may anak siya sa akin.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga salitang sinabi niya sa akin nung araw na may nangyari sa amin.

"I have a fiancee and she's fucking pregnant at bubuo na kami ng sarili naming pamilya kaya ayaw kong masira iyon ng dahil lang sa isang walang kwentang babae."

"I have a fiancee and she's fucking pregnant at bubuo na kami ng sarili naming pamilya kaya ayaw kong masira iyon ng dahil lang sa isang walang kwentang babae."

"I have a fiancee and she's fucking pregnant at bubuo na kami ng sarili naming pamilya kaya ayaw kong masira iyon ng dahil lang sa isang walang kwentang babae."

Paulit ulit na nagreplay sa utak ko ang mga salitang iyon kaya hindi ko maiwasang hindi mainis.

Nawala ang takot na aking nararamdaman... sa ngayon.

"E anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko kaya naman nawala ang ngisi sa mga labi niya at seryoso akong tinignan.

"Nandito ako at kukunin ko ang mga anak ko sayo." sabi niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? Ikaw ba ang nagluwal at naghirap ah? E wala ka namang ambag ah! Ang tanging ambag mo lang ay 'yang semilya mo!" inis kong sigaw dahil umiinit ang ulo ko sa kanya.

Ano pa bang ginagawa niya dito e may pamilya na nga siya.

"I don't care. Whether you like it or not, I'm still getting my children." sabi niya kaya naman hindi ko na maiwasang hindi magalit.

"Gago ka! Matapos mong sabihin na may fiancee kana at buntis na siya. At bubuo na kayo ng pamilya e nandito ka at nanggagambala ng ibang buhay." galit kong sabi at huminga ng malalim.

"Kung kulang pa sayo ang anak mo, eh di bumuo pa kayo. Hindi yung kukunin mo pa sa akin ang anak ko na siyang pinaghirapan kong dalhin at iluwal tapos kukunin mo lang na gago ka!" sabi ko kaya naman galit niya akong tinignan.

"Watch your mouth, woman."

"Nye nye nye! Basta! Lumayas ka dito at bumuo na lang kayo ng bago dun! Tsupe!" sigaw ko at agad na sinara ang pinto pero agad niya itong napigilan at agad na hinigit ang braso ko.

Sobrang higpit ng hawak niya at parang konti na lang ay mapuputol na ang braso ko sa sobrang higpit. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiwi.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now