Chapter 40

3.3K 77 2
                                    

CHAPTER 40

Adira's POV

Unti unti kong minulat ang mata ko at agad akong napapikit dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana dito sa kwarto namin. Agad kong tinignan ang oras at nagulat ako na mag-aalas dose na pala ng tanghali.

The heck! Anong oras na pala!

Agad akong lumingon sa gilid ko ng maramdaman kong may yumakap sa beywang ko. Pagkalingon ko sa gilid ko ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Zion.

Umayos tuloy ako ng pagkakahiga at humarap sa kanya. Jusko po! Ba't naman ganito kagwapo ang mukha ng asawa ko. Hinding hindi ka talaga magsasawang tignan ang mukha niya. Bawat anggulo ng mukha niya ay napakaperpekto.

"Done staring at me?"

Agad akong napahiwalay sa kanya ng bigla siyang magsalita at nanlalaki ang mata kong tinignan siya.

Unti unti naman siyang nagmulat kaya agad akong nag-iwas ng tingin at umayos ng higa.

"H-Hindi kita tinititigan a-ah." pagsisinungaling ko pero agad naman niyang hinawakan ang pisngi ko at hinarap sa kanya.

"You're blushing." pang-aasar niya kaya agad kong pinalo ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"Bumangon na nga tayo at anong oras na." sabi ko at agad na bumangon pero agad akong napabalik sa higa ng maramdaman ko ang panghihina ng mga paa ko.

Agad naman akong namula ng maalala kong gaano kami kawild kagabi na umabot kami ng halos pitong oras. Lumingon naman ako kay Zion ng maramdaman kong tila ba'y may nakatitig sa akin at nakita kong nakangisi sa akin si Zion kaya mas lalo akong namula.

"M-Mauna ka na pala." sabi ko at narinig ko naman siyang tumawa bago bumangon at yumakap sa akin.

"Sabay na tayo." sabi niya and he chuckled lightly.

Halos mapatili naman ako ng bigla niya akong pangkuin.

"Ano ka ba! Ibaba mo nga ako!" sabi ko dahil nahihiya ako kahit na mag-asawa naman na kami.

"Just let me carry you and treat you as my queen." sabi niya at kinindatan ako.

Hindi naman na ako pumalag at hinayaan na lang na ipahinga ang ulo ko sa dibdib niya.

Pagkarating namin sa kusina ay agad niya akong binaba sa upuan na punong puno ng pag-iingat.

"Stay here and I'll just prepare our food."

Tinignan ko naman siya na ngayo'y busying busy na sa pagpeprepare ng pagkain namin. Napangiti ako dahil ang hot niyang tignan habang nagluluto ng pagkain namin.

Napakaswerte ko sa asawa ko dahil bukod sa gwapo na ito, marunong magluto, hot at yummy pa!

Agad namang nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang mga anak namin.

"Zion, hindi pa kumakain ang mga anak natin." sabi ko at lumingon naman siya sa akin.

"Kanina pa sila kumain at sa katunayan, hiniram sila ng lola nila ngayon para ipasyal. Nagpaalam sila kanina habang tulog ka. Babalik din sila mamaya bago maghapon."

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now