Chapter 26

3.6K 113 7
                                    

CHAPTER 26

Adira's POV

Lunes na naman ngayong araw at kailangan ko na namang pumasok.

Gusto ko pa sanang makasama ang mga anak ko pero no choice ako, kailangan kong pumasok para may mapambuhay ako sa mga anak ko.

"Mommy, ang bilis ng araw at hindi na naman namin kayo makakasama ulit." sabi ni Zander habang yakap yakap nila ako.

"Alam niyo naman mga anak. Kailangang magtrabaho ni Mommy diba?"

"Opo mommy. Naiintindihan po namin. Sana magweekends po ulit para magbonding po ulit tayo ng buong araw." sabi ni Zaine kaya naman niyakap ko sila ng mahigpit.

"Sorry mga anak ha. Kung hindi ko man lang kayo makabonding araw araw." malungkot kong sabi kaya umiling si Zion.

"Okay lang po Mommy. We understand naman po kung bakit hindi ka po namin nakakasama palagi. We're thankful nga po at ikaw po ang naging mommy namin." nakangiting sabi ni Zion kaya naman napangiti ako sa kanya.

"Thank you anak." sabi ko at ngumiti naman silang tatlo.

"I love you po Mommy. You're the best mom po sa amin." sabi nila kaya hindi ko maiwasang hindi mapaluha.

"Mahal na mahal ko rin kayo mga anak."

Niyakap ko sila ng mahigpit. Hindi pa sana kami maghihiwalay kung walang tumikhim sa likod namin.

Napalingon ako sa likod at nakita kong nakatayo si Zephyrus at Jia.

"Papasok lang tayo Adira kaya huwag kayo diyang magdrama." sabi ni Jia kaya naman natawa ang mga anak ko.

"Mamimiss lang po kasi namin si Mommy, Tita Ganda." sabi ni Zaine at kunyari namang nagflip ng buhok si Jia.

"Ang ganda ko talaga." sabi niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapailing.

Nirequest niya kasing tawagin daw siyang Tita Ganda samantalang sina Akira at Zephyrus naman ay Tita Mommy at Tito Daddy.

"Tara na babaita! Balita ko ay ngayon dadating ang bagong may-ari ng pinapasukan natin." sabi niya kaya agad akong napatayo.

"Shit! Oo nga pala!" sabi ko at nagmamadaling kinuha ang bag ko.

Napatampal ako sa noo ko ng maaalalang ngayon pala ang dating ng bagong may-ari ng kompanya namin.

Laking pasasalamat namin at hindi niya raw papalitan ang mga empleyado doon kaya sana pinagdadasal ko na sana ay mabait siya.

"Sige na po Mommy. See you na lang po mamaya." sabi ni Zander kaya tumango ako at hinalikan sila sa noo.

Ganun na lang kasi ang pagdadrama namin dahil tuwing umuuwi ako minsan ay tulog na sila kaya hindi na rin kami nakakapagbonding.

Ang bilis kasi ng araw at hindi mo aakalaing kailangan ko na namang pumasok para magtrabaho.

"Sige my babies. Alis na si Mommy. Mag-iingat kayo ha!" sabi ko at tumango naman sila.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now