Chapter 21

3.5K 105 6
                                    

CHAPTER 21

Adira's POV

5 years later...

Halos mahigit limang taon na rin at hindi ko akalaing ang bilis lumipas ang panahon.

Medyo malalaki na rin ang mga anak ko kaya hindi na ako masyadong nahihirapang alagaan sila.

"Let's go, Adira. May bibilhin ka pa sa mall diba?" tanong sa akin ni Zephyrus kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita kong nakahalukipkip siya habang nakatingin sa akin kaya naman napatingin ako sa orasan sa gilid ko.

Napasinghap naman ako ng makita kong magtatanghali na ang oras.

"Hala, anong oras na pala!" sigaw ko at natatarantang kinuha ang gamit ko.

"Hm. Buti naman at alam mo. Kanina pa kita kinakausap pero parang nasa labas ka ata ng Earth." sabi ni Zephyrus kaya sinamaan ko siya ng tingin at naunang tumayo.

"Tara na nga!"

Agad akong nagpaalam sa mga anak ko na busy-ing nanonood ng TV kasama si Akira.

"Babies, alis na si Mommy ha! Akira ikaw munang bahala sa kanila, babalik agad ako."

Napatingin naman sa akin si Akira at ngumiti.

"Sure, take your time."

"Ingat ka po, Mommy ha!" sabi ni Zaine kaya naman ngumiti ako at lumapit sa kanila.

"Kayo rin ha. Huwag kayong magpapasaway kay Tita Mommy niyo."

"Opo, Mommy. Hindi po namin pahihirapan si Tita Mommy." sabi nilang tatlo kaya naman hinalikan ko sila sa noo.

"Oh siya, alis na ako ha. I love you."

"I love you po, Mommy." sabi nila kaya napangiti ako sa kanila.

Tuluyan na akong umalis at pinagbuksan ako ni Zephyrus ng pinto.

Si Jia dapat ang kasama ko na pupunta ng mall ngayon kaso lang may sakit siya. Siguro ay bibisitahin na lang namin siya mamaya.

Si Akira naman ay hindi ko inayang sumama dahil alam kong pagod siya sa trabaho niya.

"What are we going to buy in mall?" tanong ni Zephyrus pagkasakay na pagkasakay niya.

"Some stuffs lang. And school supplies. Malapit na kasing magpasukan at gusto na nilang pumasok kaya inenroll ko na sila. Pasukan na next month e."

Napatango tango naman si Zephyrus dahil sa sinabi ko at namayani ang katahimikan sa amin kaya nagrequest ako sa kanya na magmusic sa loob.

"Magmusic nga tayo. Ang tahimik masyado e. Pabluetooth na lang." sabi ko at tumango naman siya.

Agad kong kinonnect ang phone ko at agad na pumili ng kantang gusto kong pakinggan.

Now playing: Driver's License by Olivia Rodrigo

Narinig ko namang may natawa sa gilid ko kaya napatingin ako kay Zephyrus na ngayon ay medyo natatawa na.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka.

"May nakakatawa ba?"

"Wala naman. Natatawa lang ako dahil fan ka pala niya." natatawa pa rin niyang sabi kaya puno ng pagtataka ko siyang tinignan.

"Oh e anong nakakatawa dun?"

"Wala. Paulit ulit ko na kasing naririnig iyang kanta na iyan."

"Maganda kasi." sabi ko at inirapan siya.

Para kasing adik e. Wala namang nakakatawa pero tumatawa.

"Maganda naman talaga kasi kaya fan na fan niya ako. Kapag papakinggan mo yung lyrics, makakarelate ka." sabi ko at sumandal.

And I know we weren't perfect but I've never felt this way for no one

And I just can't imagine, how you could be so okay, now that I'm gone

Guess you didn't mean what you wrote in the song about me

Cause you said forever now I drive alone past in your street

"Oh diba, nakakarelate ako sa mga ganyang line." sabi ko matapos kong sabayan ang lyrics na iyan.

"Oo na. Mukhang broken hearted na broken hearted ka diyan."

"Che!"

Hindi ko akalaing nakarating na pala kami kaya agad akong bumaba at medyo umuulan pa kaya medyo nabasa ako ng ulan.

Nagulat na lang ako ng biglang may payong na pumayong sa akin.

"Dapat hindi ka muna bumaba! Umuulan oh! Baka mabasa ka e di nagkasakit ka." sermon sa akin ni Zephyrus kaya medyo natigilan pa ako sa biglang sermon niya sa akin.

"Galit ka?"

"E para kasing wala kang pakialam sa sarili mo e. Huwag ka dapat nagpapabasa sa ulan kasi paano na lang kung nagkasakit ka!" inis niyang sabi kaya naman napangunot ang noo ko.

Halos pinagtitinginan na kami ng tao kaya sasagutin ko sana siya ng biglang may nagsalita sa gilid namin.

"Oh, look who's here."

Agad akong napatingin sa gilid namin at bigla na lamang akong nawala sa mood ng makita ko ang gago kong ex kasama ang kanyang haliparot na secretary.

"Kailangan mo?"

Ngumiti naman ang gago pero inis ko lang siyang tinignan.

"Wala naman. Mangangamusta lang sana."

"Hindi ako interesado sayo kaya umalis sa harapan ko at naaalibadbaran ako sa mukha mo." inis kong sabi at agad siyang tinalikuran.

Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis ng magsalita na naman siya.

"I heard what happened to you. So may anak ka na pala ah. Not only one but three. Hahaha! Akalain mo yun, yung babaeng nagsabing ayaw ibigay ang v card niya dahil hindi pa kasal ay binigay lang sa iba. At ang mas malala pa ay sa taong hindi niya kilala. Hayan tuloy! Walang ama yung mga anak mo. Kung sa akin mo lang kasi binigay, magkakaroon pa iyan ng ama. Hindi ko tatakbuhan ang responsibilidad hindi tulad ng ama ng mga anak mo." sabi niya at parang nagpanting ang tainga ko kaya unti unti ko siyang hinarap.

Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Zephyrus na ngayon ay madilim na madilim na ang mukha.

"You don't have the right to say that to her. You we're only her ex. Wala kang karapatang pagsalitaan siya ng ganyan dahil una sa lahat, sa inyong dalawa, ikaw ang walang kwenta sa inyong dalawa. Everything that happened to her in the past... it's just purely accident. That wasn't intentional." seryosong sabi ni Zephyrus kaya pati ako ay natigilan.

Sa kanya tuloy napabaling ang atensyon ni Justin at ngumisi.

"Oh. At sino ka naman?"

"Me?" sabay turo ni Zephyrus sa sarili at unti-unting ngumisi.

"I'm her husband. So you don't have the right to say that to my wife." seryoso niyang dagdag at inakbayan pa ako na ikinalaki ng mata ko.

What the hell?! Husband? Kailan pa?!

To be continued...

Author's Note: I'm sorry for not updating this past few days. I got sick for almost a week and ngayon lang bumuti ang pakiramdam ko kaya ngayon lang ako ulit nakapag-update.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now