Chapter 39

3.7K 92 18
                                    

CHAPTER 39

Adira's POV

"Kung talagang mag-asawa na tayo, bakit wala man tayong picture nung kinasal tayo?" takang tanong ko kay Zion habang nasa sala kami.

Nalibot ko na kasi ang buong bahay at ilang araw na kaming nandito pero wala man lang akong makitang picture naming dalawa o kaya kaming buong pamilya.

Nakita ko naman natigilan siya at sandali pa'y humarap sa akin.

"Pinapaayos ko pa kasi nabasag yung mga picture frame natin nung may nangyaring lindol nung nakaraang buwan." sabi niya at napatango naman ako kahit na medyo hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

Ganun ba kalala yung lindol para mawala lahat ng picture namin at lahat ng gamit dito ay maayos pa rin.

"Mommy! Daddy!" sigaw ng mga anak ko at nakita kong tumatakbo sila palapit sa amin.

"Daddy, can we go to the park today? Naboboring na po kasi kami dito sa bahay." sabi ni Zaine at nakita ko namang ginulo ni Zion ang buhok ni Zaine.

"Sure. Right, baby?" sabi niya sabay baling sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi mamula dahil sa tinawag niya sa akin.

Tumango naman ako at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi kaya mas lalo akong namula.

Rinig na rinig ko na rin ang malakas na tibok ng puso ko.

Nakita kong napangisi siya ng makita ang mukha ko.

"You're blushing."

Hinampas ko naman siya sa braso at nagpout.

"I-Ikaw naman kasi."

"Yiee. Nakita namin yun! Yie yie! Kinikilig na si Mommy!" tudyo sa akin ng mga anak ko kaya mas lalo akong nahiya kaya napatakip ako ng mukha ko.

"T-Tama na!" sabi ko at narinig ko naman ang pagtawa nila.

Napakagaling ng mga ito! Pinagkakaisahan ako ng mga anak ko at ng ama nila.

Napatili naman ako ng biglang may humapit sa baywang ko at naramdaman ko na lang na napasubsob na ako sa isang matigas na dibdib ng isang tao.

Sinubukan kong tignan si Zion pero mas hinigpitan niya lang ang yakap niya sa akin.

"Sana ganito na lang habang buhay." bulong niya na hindi ko narinig.

"Anong sabi mo?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

Hinalikan niya lang ang tuktok ng ulo ko at hinatak ako patayo.

"Let's go. Punta na tayo sa park." sabi niya at nagtatalon naman ang mga anak ko sa tuwa.

"Yehey! Tara na at magbihis na tayo!" sabi nila at tumakbo paakyat.

"Hey! Careful!" sigaw ko at napatingin naman ako ng biglang pinatong ni Zion ang baba niya sa balikat ko.

"Hmm?"

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now