Chapter 41

3.1K 79 6
                                    

CHAPTER 41

Adira's POV

Kasama ko ngayon si Jia papuntang mall dahil nagpasama siya sa akin dahil may bibilhin daw siya na ipangreregalo niya sa kanyang mga inaanak.

Ang bilis ng araw at hindi mo aakalaing pasko na pala. Sa susunod na mga araw ay matatapos na ang taong ito.

"Bilis na Adira. Ang bagal mo naman e." inis na sabi sa akin ni Jia kaya inirapan ko na lang siya.

"Ba't ba kasi nagmamadali ka. Hindi ka naman tatakbo yung mall."

Humarap naman siya sa akin at pekeng tumawa.

"Ha-ha-ha. Funny ka, Adira. Bilisan mo na nga lang diyan sa paglalakad mo. Ang init init kasi oh, tignan mo tapos ang bagal mo pang maglakad e wala pa naman tayong payong. Sayang ang kojic na ginagamit ko. Masisira lang ang kutis ko, hmp." sabi niya kaya naman napairap ulit ako.

"Ba't naman kasi sinama mo pa ako e tinatamad nga kasi ako." inis kong sabi.

Ewan ba pero nitong mga nakaraang araw ay palagi akong tinatamad o kaya'y minsan ay madaling uminit ang ulo ko. Hindi ko na maintindihan minsan ang sarili ko. Agad naman na akong hinatak ni Jia habang nakasimangot.

"Tama na ang reklamo."

Makalipas lang ng ilang saglit ay nakarating na kami agad sa mall na pawis na pawis dahil sa sobrang init. Nakakainis naman kasi itong si Jia na 'to. Ang layo pa pero pinara na agad ung jeep na sinakyan namin. Yun tuloy, ang layo ng nilakad namin.

Pagkapasok namin ay agad na pinabuksan ang mga bag namin para icheck ang loob nito. Nang matapos na ay pinayagan na kaming pumasok.

"Saan na tayo unang papasok ngayon?"

Ngumiti naman siya sa akin at agad akong hinatak papasok kung saan maraming mga stuffed toy.

"Gusto kong bumili ng mga stuffed toy dahil tiyak kong magugustuhan nila ito." sabi niya at agad ng pumili ng mga nagustuhan niya.

Nagtingin tingin na rin ako para sa mga anak ko at may nakakuha ng pansin ko na agad kong nilapitan. Isa siyang pusang maliit na stuffed toy na kulay dilaw kaya agad ko itong dinampot at tinignan.

Ang cute.

Ang taba niya at ang lambot. Tapos ang liit pa pero sakto lang para sa bata. Kaya agad ko itong kinuha para bilhin. Bali tatlo na ang binili ko para sa triplets ko.

Babalik na sana ako kay Jia ng makasalubong ko na ito bitbit ang napakaraming stuffed toy.

"Ang dami naman ata ng mga inaanak mo at ganyang karami ang kinuha mo." natatawa kong sabi pero umismid lang siya.

"Hmp, kung hindi lang kasi balis ang mga kumuha sa akin. Biruin mo, kinuha nila akong ninang kasi may trabaho naman daw ako at single pa kaya paniguradong tuwing pasko ay may matatanggap ang mga anak nila. Mga baliw." sabi niya kaya naman natawa ako.

"Tatawa tawa ka diyan, tignan mo... kapag naranasan mo 'to, baka mas malala ka pang magreklamo sa akin." sabi niya kaya napailing na lang ako dahil totoo naman ang sinabi niya.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now