Chapter 18

3.5K 105 1
                                    

CHAPTER 18

Adira's POV

9 months later...

Ang bilis ng araw at hindi ko aakalaing 9 months na agad matapos kong ipanganak ang mga anak ko.

"Jia! Handa na ang pagkain, tara na!" sigaw ni Akira kaya agad akong tumayo at lumabas.

Nasa sala kasi silang lahat kahit ang mga anak ko. Tuwang tuwa nga sina Mama sa mga anak ko dahil hindi sila masyadong iyakin at palagi silang tumatawa at ngumingiti.

Though, hindi pa nga lang sila nakakapagsalita. I can't wait to here them calling me mommy.

"Ang tagal tagal mo naman! Kanina pa ako nagugutom." reklamo ni Jia kaya taka ko siyang tinignan.

"Ano na namang ginagawa mo dito? Palagi ka ng nakikikain sa amin ha." pabiro kong sabi sa kanya na ikinairap niya.

"Paki mo ba. Eh sa dito ko gustong kumain."

"Wow. Yung makikikain na nga lang pero ganyan pa siya. Ikaw na talaga Jia. Nahiya na ako sayo." sabi ko sa kanya na ikinaismid niya.

"E di mahiya ka."

Sasagot pa sana ako ng biglang may sumigaw mula sa pintuan.

"Hooray world! Handsome Zephyrus is here!" sigaw niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

Nakita kong hinalikan niya sa noo ang mga anak ko.

"Ang hangin na naman." irap na sabi ni Akira kaya natawa ako.

Hindi ko talaga alam kung may namamagitan sa kanila. Minsan kasi ay parang ang sweet nila tapos biglang mag-aaway.

Ang gulo.

Agad namang nilapag ni Zephyrus ang dala niyang paper bag na agad na binuksan ni Jia.

"Uy ano 'to? Ay wow! Lechong baboy at manok! May palechon si mayor!" sabi ni Jia na agad na nilabas ang mga letchon.

May kasama rin palang pizza sa loob ng box na agad na binuksan ni Jia.

"Pambara lang? Dapat may panulak din." reklamo ni Jia kaya agad siyang siniko ni Akira.

"Mahiya ka nga. May ganyan na nga e tapos manghihingi ka pa ng panulak." suway sa kanya ni Akira na ikinasimangot ni Jia.

"Ang sabihin mo, ayaw mong manlibre sa amin si Zephyrus. Gusto mo sayo lang siya." sabi ni Jia na ikinapingot niya.

"A-Araaay!"

"Ikaw.. Ang daldal mo. Kung ano anong sinasabi mo. Gusto mo putulin natin iyang dila mo?" panakot ni Akira na ngayon ay may hawak na gunting.

"Zephyrus oh! Yung asawa mo nagiging dragon na! Lambingin mo nga!" sigaw ni Jia kaya agad siyang hinabol ni Akira.

"Akira! Tumigil ka nga. May dala kang gunting. Delikado iyan at baka madapa ka!" suway ni Mama kay Akira kaya agad siyang tumigil sa pagtakbo.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now