Chapter 17

3.7K 99 0
                                    

CHAPTER 17

Adira's POV

Ilang linggo na ang nakalipas matapos kong makita ang ama ng mga anak ko.

Malaking palaisipan pa rin sa akin ang nangyari sa grocery store ng araw na iyon.

FLASHBACK

Agad akong nag-iwas ng tingin at tumingin na lang sa cashier.

Bakit kasi sa dinarami raming pwedeng makita ay siya pa!

Bwisit!

Pero nasaan na kaya yung asawa niya?

Napatingin ako sa gilid ko ng makita kong naglalakad siya palapit sa amin kaya sa taranta ko ay sinabihan ko na lang si Zephyrus na siya na lang ang bahala sa mga pinamili ko.

"Ikaw ng bahala diyan, Zephyrus ha! May gagawin lang ako!" sabi ko at kahit hindi ko pa siya narinig na sumagot ay agad na akong umalis.

Ewan ko kung bakit ganun ang naging reaction ko pero hindi ko kayang malapit siya sa akin.

Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko. May inis at galit akong nararamdaman at sakit.. na nararamdaman.

Ayaw ko sanang lumingon sa likod pero nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.

Maybe.. iniisip niya na bakit ganun na lang ang naging reaction ko.

Pero pinagsawalang bahala ko na lang ito at agad na umalis.

END OF FLASHBACK

Sinubukan ko ng tanungin si Zephyrus kung kilala niya ba yun pero ang sabi niya ay hindi niya ito kilala.

Ewan ko pero parang pakiramdam ko ay nagsisinungaling siya sa akin.

"Woi, ang lalim naman ata ng iniisip mo. Sino bang iniisip mo diyan?" tanong sa akin ni Jia kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit, porket ba malalim ang iniisip ay sino na agad? Hindi ba pwedeng ibang bagay?"

Tumawa naman siya at pabiro akong hinampas.

"Syempre. Malay mo at may napupusuan ka na pala at hindi mo lang sinasabi sa akin. O baka may crush ka pero takot mong sabihin sa kanya. Uyy!" tudyo niya sa akin kaya inirapan ko siya.

"Sira ulo ka talaga. Wala akong crush 'no."

"Pero kung may magkakagusto sa'yo. Papayagan mo ba siyang makapasok sa buhay at puso mo?" tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

"Honestly?" sabi ko at humarap sa kanya.

"I think, I can't love anymore just like what I used to do. Natatakot na akong magmahal. Kasi sa panahon ngayon... sa totoong buhay, bihira na lang ang masayang relasyon. Halos ay puro na lang pagtataksil ang nangyayari. At kung hindi naman pagtataksil, namamatay naman ang isa sa kanila." sabi ko at ngumiti ng mapait.

"Sa libro mo nga lang ata mahahanap ang true love e. Kasi sa real world, bihira na lang. Halos makikita mo na lang ay ang nagdedemandahan sa tulfo." sabi ko at natawa kaya pati si Jia ay natawa na rin.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now