Chapter 46

2.8K 81 0
                                    

CHAPTER 46

Adira's POV

"Gagi, ano ba 'to!" inis na sabi ni Jia matapos buksan ang isang maliit na box na nakabalot ng pangregalo.

Kasalukuyan kaming nandito sa sala habang binubuksan ang regalo kuno na binigay sa kanya. Umalis muna saglit si Zion dahil may importante raw itong kailangang gawin kaya naiwan dito sina Zephyrus at Jia para raw may kasama ako.

"Sino bang nagbigay niyan?" tanong ko dahil hindi matapos tapos ang box na binubuksan niya kaya kanina pa siya inis na inis.

"Yung isa kong pinsan na kalog. Binigay niya sa akin nung New Year at ngayon ko lang naalalang hindi ko pa pala ito nabuksan."

Agad namang hinablot ni Zephyrus ang box at inalog alog.

"Ba't parang wala naman atang laman 'to. Baka prank lang sayo." sabi niya at binigay ang box kay Jia.

"Subukan niya at ingungudngod ko sa kanya 'to." inis na sabi ni Jia at nagpatuloy sa pagbukas.

Bigla namang suminghap si Zephyrus kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Bakit?" tanong ko at bigla niya na lang tinuro yung box.

"Paano kapag bomba pala 'yan--"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng agad siyang batukan ni Jia dahil sa kaabnormalan niyang sinabi.

"Gago! Ikaw ang una kong papasabugin kapag bomba ito." sabi niya at pumalik sa pagbubukas.

Matapos ang ilang minuto ay nabuksan niya na at napatulala na lang kami sa laman ng box na pinaghirapan niyang buksan.

Isang... sim card?

Ang unang nakabawi ay si Zephyrus na ngayon ay tawa ng tawa habang si Jia naman ay halos gusto ng pumatay sa sobrang sama ng tingin sa sim card na hawak niya.

"Tangina hahaha, sim card hahaha!" tawa ni Zephyrus kaya naman agad na isinubo ni Jia ang sim card kay Zephyrus kaya natigil 'to sa pagtawa.

"Fuck!"

"Manahimik ka riyan at sasakalin kita. Buset talaga iyon, humanda siya sa akin at bubombahin ko yung bahay niyang tangina." inis na sabi ni Jia.

Napatawa na lang ako dahil sa itsura ni Jia na daig pa ang biyernes santo. Kahit naman siguro ako ay iinit ang ulo once na ganun ang regalo sa akin. Alam ko naman na dapat ay makuntento sa regalo pero kapag ganun din lamang, mas mabuting 'wag na lang magregalo dahil nakakapang-init ng ulo. Tapos nakabalot pa ng masyadong makapal. Pinaghirapang buksan tapos ganun lang pala ang laman. Napatingin naman ako kay Zephyrus ng may pinulot siyang papel sa sahig.

"Dear Jia, ito nga pala ang munting regalo ko sa'yo. Siguro ay nanggagalaiti ka na ngayon dahil sa laman nito pero hindi lang 'to basta sim card. May laman 'to na mga contact number ng magsisilbing iyong Daddy. Yes daddy hahaha. Masyado ka kasing bitter kaya panhon na siguro para hanapan ka ng Daddy para naman kahit papaano ay hindi ka bitter. And since malapit na ang valentines, pumili ka na lang diyan ng gusto mong makatext or makatawag. Malay mo, nandiyan na yung forever mo. Nagmamahal, ang iyong napakagandang pinsan." pagbabasa ni Zion.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now