Chapter 54

3.1K 79 2
                                    

CHAPTER 54

Adira's POV

Nagising ako sa isang napakadilim na silid na kung saan, kahit konting liwanag ay wala kang makikita. Bigla tuloy ako nakaramdam ng takot dahil wala akong makita na kahit ano... sa sobrang dilim. Tatayo na sana ako para sana makaalis sa lugar na ito pero agad akong natigilan dahil hindi ako makaalis. Doon ko napagtanto na nakatali pala ako sa isang silya.

Mama...

Nakaramdam ako ng sobrang takot kaya naman ay tuluyan na akong naiyak. Gusto ko mang sumigaw pero parang may nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ko magawa.

Tulong.. pakawalan niyo ako dito. Tulungan niyo ako kung sino man ang nandiyan.

Pero agad naman akong napapikit ng biglang may kumalabog at nagkaroon ng liwanag. Unti-unting nasanay ang mata ko sa liwanag hanggang sa makita ko na kaya pala nagkaroon ng liwanag ay may nagbukas ng pinto. Doon ay may pumasok na mga kalalakihan. Agad akong natakot ng magtungo sila sa kinaroroonan ko. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila kaya hindi ko malaman kung sino ang mga 'to.

Ano bang kailangan niyo sa akin?

Pero agad nabaling ang atensiyon ko sa isa pang taong pumasok na agad din na lumapit sa akin. Sobrang blurred ng mukha niya kaya hindi ko rin malaman kung sino ito.

Bakit ganun? Bakit blurred ang mga mukha nila?

"N-nasaan ako? At s-sino ka." tanong ko nang makalapit sa akin ang taong huling dumating.

Nagulat pa ako nang marealize ko na nakapagsalita ako. Mas lalo siyang lumapit sa akin kaya naman ay mas natakot ako.

Hindi ko alam kung sino sila dahil hindi ko makita ang mga mukha nila na which is weird... pero ang alam ko lang ay labis na takot ang nararamdaman ko sa kanila.

Panganib.

Yun ang isinisigaw ng awra nila. Parang may madilim na usok ang nakapalibot sa kanilang mga katawan. Kaya naman ay kahit gusto kong makawala sa upuan ko at tumakbo palabas ay hindi ko magawa dahil nga sa nakatali ako.

"Me? I'm your worst nightmare." sabi niya kaya naman ay mas kinilabutan ako sa kaniya.

Hindi lang ako kinilabutan ng dahil sa sinabi niya... maging sa tono ng kanyang pananalita ay kakila-kilabot. Pero labis akong nagulat at natakot ng bigla niya akong tutukan ng baril sa ulo.

Hindi ko 'yun ineexpect!

"You should die." sabi niya at agad na kinalabit ang gatilyo.

Nanlaki naman ang mata ko ng dahil sa gulat kaya naman ay bigla na lamang akong napasigaw.

"WAG!" sigaw ko kahit alam kong huli na ang lahat...pero bigla akong kinain ng kadiliman.

"ADIRA, WAKE UP!" sigaw ng kung sino kaya agad akong nagising habang humahangos.

Napapikit pa ako ng dahil sa liwanag na agad na bumungad sa akin. Medyo nag-adjust pa ang paningin ko lalo na't nanggaling ako sa madilim na lugar kanina. Agad akong napatingin sa gumising sa akin at nakita ko si Zephyrus na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nilibot ko ang tingin ko at napansin kong nasa sala pala ako. Nakatulog pala ako habang nanonood ng tv.

"Are you... okay?" tanong niya.

Doon ko lang naramdaman na basang basa ako ng pawis at patuloy na umaagos ang luha ko. Hindi ko rin halos maigalaw ang katawan ko na tila ba'y nanggaling ako sa isang adventure. Halos nanginginig rin ang mga kamay ko dahil sa labis na takot na naramdaman ko.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now