Chapter 15

3.8K 105 8
                                    

CHAPTER 15

Adira's POV

"How are you?" tanong ni Zephyrus ng makalapit siya sa akin.

"Ayos naman na. Salamat nga pala at hindi mo ako iniwan kanina doon sa delivery room." nakangiti kong sabi at ngumiti naman siya.

"No problem. Pwede ko ba silang mahawakan?" tanong niya kaya naman tumango ako.

Inabot ko naman sa kanya si Zander at agad niya itong inabot.

"He looks really like him. Welcome to the world, my nephew." pabulong niyang sabi kaya hindi ko masyadong narinig.

"May sinasabi ka?" tanong ko kaya naman napatingin siya sa akin.

Umiling naman siya sa akin.

"Wala. Ang sabi ko, ang gwapo niya parang ako lang." sabi niya habang natatawa kaya pati ako ay natawa na rin.

"Mukhang lumakas ata ang aircon sa sobrang hangin." sabi ko kaya naman natawa ako.

Napatingin ako kay Zephyrus habang karga karga si Zander.

Bigla tuloy akong napaisip dahil una, medyo hawig niya ang ama ng mga anak ko tapos yung mga weird niyang ginawa nung nasa delivery room ako.

"May dumi ba sa mukha ko? O naiinlove ka na sa kagwapuhan ko?" bigla niyang tanong kaya tuloy naudlot ang iniisip ko.

Napatingin naman ako sa kanya at napailing ng makita kong nakangisi siya sa akin.

"Sira. Hindi kita type."

Napahawak naman siya sa dibdib niya at umaktong nasasaktan.

"Ouch. Ang sakit naman. E mas gwapo ako sa kanya." sabi niya kaya naman napaisip ako sa sinabi niya.

"Siya? Sinong siya?"

"Yung iniisip mo." sabi niya kaya mas nagtaka ako.

"Wala naman akong iniisip."

"Ay wala ba? Akala ko meron. Hahaha!" tawa niya kaya napailing na lang ako.

Hindi ko kasi siya naiintindihan. Kung ano anong sinasabi.

"Alam ba ito ng ama nila?" biglang tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"At bakit naman niya kailangang malaman?" inis kong tanong kaya nagkibit balikat siya.

"Malay mo kapag nalaman niyang nagbunga ang nangyari sa inyo ay panagutan ka niya." sabi niya kaya napatawa ako ng pagak.

"Hindi ko siya kailangan. Hindi namin siya kailangan. Kaya kong itaguyod ang mga anak ko ng wala siya. At saka, may fiancee na nga siya at buntis na yun... kaya napakalabo. At saka, ayaw kong mapilitan lang siyang panagutan ito. Kaya huwag na. Ayaw kong sabihin na may anak na nagbunga sa nangyari sa amin." sabi ko kaya naman napatango tango siya.

"What if balang araw ay tanungin ka ng mga anak mo kung nasaan ang ama nila? Anong sasabihin mo?" tanpng niya kaya medyo natigilan ako.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now