Chapter 35

3.5K 99 1
                                    

CHAPTER 35

Adira's POV

Unti unti kong dinilat ang mata ko at nasilaw pa ako sa liwanag.

Nang makapag-adjust ang paningin ko ay unti unti kong nakita ang puting kisame at naririnig ko rin ang mga tunog ng makina.

N-Nasaan ako?

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang IV na nakakabit sa palapulsuhan ko. May oxygen din na nakalagay sa ilong ko.

Anong nangyari sa akin?

Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko kaya napahawak ako dun at naramdaman ko ang bandage na nakakabit sa ulo ko.

Saan ko 'to nakuha?

Napakunot ang noo ko ng makita ang isang babae na mahigpit ang hawak sa kamay ko habang nakayuko at mukhang natutulog.

Sinubukan kong magsalita pero parang uhaw na uhaw ako na hindi ko magawang makapagsalita kaya dahan dahan kong inabot ang buhok niya at marahang hinaplos.

Nang dahil sa simpleng galaw ko ay unti unti siyang gumising. Nagkusot pa siya ng mata bago tumingin sa akin at agad namang nanlaki ang mata niya ng makitang gising na ako.

"Oh my god, Adira! Gising ka na!" sigaw niya at agad akong sinugod ng yakap kaya naman napaigik ako.

"Ay sorry. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Masyado mo kaming pinag-alala." sabi niya pero hindi man lang ako makasagot dahil nga sa pakiramdam na parang tuyong tuyo ang lalamunan ko.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko sa gilid ko ang tubig kaya unti unti ko itong inaabot na mukhang napansin ni Akira kaya siya na ang gumawa para sa akin.

Agad ko namang ininom ito matapos na iabot sa akin ni Akira at tulungan akong uminom.

"Nauuhaw ka pa?" tanong niya matapos kong uminom kaya naman tumango ako.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya at kita ko sa mata niya ang pag-aalala.

"O-Okay lang ako." nanghihinang sabi ko at nakahinga naman siya ng maluwag.

"Tinakot mo kami! Alam mo ba yun? Sobra ang kaba at takot namin ng malaman na nasa hospital ka." naiiyak niyang sabi kaya pilit kong inalala kong ano bang nangyari pero sumakit lang ang ulo ko kaya naman napahawak ako dun.

"Hey? What's wrong? Anong masakit?" tanong ng kambal ko na makita niyang napahawak ako sa ulo ko.

Umiling naman ako ng mawala ang sakit sa ulo ko.

Bakit parang may kakaiba sa akin?

Binalingan ko naman siya at nagtanong sa kanya.

"Ano bang nangyari s-sa akin?" tanong ko dahil wala akong maalalang ginawa ko para mapunta sa ganitong sitwasyon.

"Jusko po, Adira! Nasagasaan ka lang naman! Alam mo bang pagkarating namin dito ay nanlumo kami ng makita ang itsura mo na nasa higaan ng emergency room. Naliligo ka sa sariling dugo mo nun at saka ang putla putla mo. Halos wala ka ng buhay kong titignan ka. At saka, alam mo kung anong mas kinatakot namin? Nawalan ka ng heartbeat sa loob ng emergency room kaya natakot kami na... na baka iwan mo kami." sabi niya at napahagulgol sa iyak.

Unti unti ko namang hinawakan ang kamay niya at pati rin ako ay naiyak na rin.

"S-Sorry for making you w-worried." umiiyak kong sabi kaya naman umiling siya.

"Hindi mo kailangang magsorry. Ang importante.. nakaligtas ka at buhay. Ayun ang mahalaga." sabi niya kaya naman ngumiti ako sa kanya.

Nilibot ko naman ang tingin ko at napansing kong dadalawa lang pala kaming nandito sa loob.

"N-Nasaan si Mama?" tanong ko.

"Ay si mama? Nasa labas. Bumibili ng kape." sabi niya kaya naman napatango ako.

Namayani ang katahimikan sa amin kaya naman siya na ang bumasag nun.

"Nagugutom ka na ba?" tanong niya at bago pa ako makasagot ay saktong bumukas ang pinto.

Iniluwa nito ang sa tingin ko ay doctor na nakaassign sa akin.

"Hello, Ms. Zachariel. So kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

"A-Ayos naman, doc."

"That's good to hear." sabi niya at sumabad naman si Akira.

"Ay sorry doc! Hindi ko kayo natawag nang magising si Adira. Nakalimutan ko dahil masaya akong nagising na siya."

"It's okay." sabi ng doctor at inutusan ang nurse para icheck ang mga aparatong nakakabit sa akin.

"It seems that you're okay now. You just need to rest to fully recover. Hindi biro ang nangyari sayo kaya kailangan mong magpahinga. Anyways, I have to go. Just call me if you need something." sabi niya kaya naman tumango ako.

"Thank you, doc."sabi ni Akira kaya naman tumango lang ang doctor at pumanhik na palabas.

"I'm glad that you're okay now, Adira." sabi ni Akira kaya naman ngumiti lang ako sa kanya ng maliit.

Bigla naman akong napaisip kung bakit ako nasagasaan.

Masyado ba akong tatanga tanga sa daan para masagasaan? Ang alam ko ay masyado akong maingat lalo na sa daan.

Gustong gusto ko itong itanong kay Akira pero parang may pumipigil sa akin na itanong iyon.

Napapaisip din ako kung bakit parang may kakaiba sa akin. Hindi ko lang mahulaan kung ano yung kakaiba sa akin pero ayun ang nararamdaman ko.

Parang... Parang may kulang sa akin?

"Okay ka lang? Natahimik ka ata?" tanong sa akin ng kambal ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"May iniisip lang ako."

"Huwag kang masyadong mag-isip lalo na't kakagaling mo lang sa aksidente. May injury pa 'yang ulo mo kaya dapat ang ginagawa mo ay nagpapahinga at hindi nag-iisip ng kung ano ano, okay?" sabi niya kaya naman tumango na lamang ako.

"You should rest now. Dito lang ako sa tabi mo." sabi niya kaya naman tumango ako.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang bumukas ulit ang pinto at iniluwa nito ang tatlong bulilit na tumatakbo patungo sa akin.

"Mommy!"

Agad silang sumugod ng yakap sa akin at umiyak.

"Sorry, Mommy. Sorry mommy for leaving you. I'm sorry." umiiyak nilang sabi.

Mommy?

"Mommy. Sorry po. Sorry. Sana patawarin mo kami." sabi nila at humiwalay ng yakap sa akin habang umiiyak.

Napakunot naman ang noo ko at tinignan sila.

"Sorry pero... sino kayo? Bakit niyo ako tinatawag na Mommy?" takang tanong ko dahil ang alam ko ay high school pa lang ako kaya paano ako magkakaroon ng anak e wala naman akong boyfriend!

To be continued...

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now