Chapter 33

3.5K 98 9
                                    

CHAPTER 33

Nang makita ko ang mukha niya ay hindi ko maiwasang hindi matakot.

Natatakot ako sa rason kung bakit siya naririto.

Nandito ba siya para kunin na sa akin ang mga anak ko?

Nakita ko na hahakbang na siya kaya agad akong kumaripas ng takbo.

Masyadong maraming tao sa palengke kaya hindi ko maiwasang hindi sila mabunggo o kaya'y matulak. May nagreklamo pa nga dahil nabunggo ko siya.

"Ano ba yan! Hindi man lang tumitingin sa dinadaanan! Parang akala mo e ikaw lang ang dumadaan dito. Tumingin tingin ka nga!" galit na sigaw ng isang babae pero hindi ko na siya pinansin pa at tumakbo pa ng mas mabilis.

Lumingon ako sa likod at nakita ko siyang pilit din akong hinahabol. Pero hindi niya nagawa dahil palagi siyang nagigitgit ng mga tao.

Nang makalabas na ako sa mga kumpol na tao ay agad akong lumingon at medyo nakahinga pa ako ng maluwag ng makita kong wala ng nakasunod sa akin.

Mukhang naiwala ko ata siya. Mabuti kung ganun.

Agad akong nagpara ng tricycle at agad na sumakay.

Ang pagbili ko sana ng vitamins ay hindi ko nagawa dahil sa hindi inaasahang tao.

Kainis naman!

Pero natatakot ako dahil alam kong kayang kaya niya kaming ipahanap kahit saan man kami magtago.

Iba na talaga ang nagagawa ng pera sa ngayon. Kaya na nitong gawin ang lahat.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok at nagsara ng pinto.

Nadatnan ko ang mga anak ko sa sala na naglalaro. Napatingin sila sa akin at medyo nagtaka pa sila dahil siguro ay hinihingal ako.

"Mommy? Are you okay? Bakit parang hinihingal ka? Did you run?" sunod sunod na tanong ni Zion na inilingan ko lang.

"Don't mind, Mommy." sabi ko at lumapit sa kanila.

"Mommy? Nasaan na yung vitamins na dapat ay bibilhin mo?" tanong ni Zaine sa akin.

Nag-isip naman ako ng dahilan dahil hindi ko namang pwedeng sabihin na kaya hindi ako nakabili ng vitamins ay dahil tinakbuhan ko ang ama nila.

"N-Nakalimutan ko kasi yung wallet ko." pagsisinungaling ko kaya napatingin ako kay Zander na matiim na nakatitig sa akin na tila ba'y binabasa ang aking mukha kung ako ba'y nagsisinungaling o hindi.

"What's wrong, Zander?" I asked him pero bumaba lang ang tingin niya sa kamay ko kaya napatingin din ako.

Shit! Ang tanga ko!

"Pero hawak mo po ang wallet mo, Mommy." sabi niya kaya pati sina Zaine at Zion ay napatingin na rin sa hawak ko.

Shit! Ang tanga kasi ng pagsisinungaling ko!

"U-Uh... What I mean is, naiwan ko yung pera ko." sabi ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"You're lying." pabulong na sabi ni Zander pero narinig ko.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now